Followers

Tuesday, 29 June 2010

Last Hirit

A couple of days ago I read an online article about AirTran Airways in Atlanta denying a 10-year old girl and her sisters from flying because she had a caged 2-inch turtle with her and bringing of reptiles onboard is bawal due to the salmonella bacteria or whatever chorva (Google: Airline makes 10-year-old girl throw away her pet turtle). The airline crew ordered the sisters to throw away the pet in the trash if they wish to board again which they did. Pero cry naman ang mga ate. Don’t worry, their father was able to save the little reptile. But the airline crew’s behaviour was just disturbing for me. I have a turtle din kaya! When I got it a few years ago, bago pa dumating sa aking life si Mimi Sue, it was also just 2 inches long. I named it Ramone. So bakla, may “E” pa talaga sa end. It actually had a girlfriend kaso madrama kaya it died. It grew a bit then it stopped. When we moved last year his shell was as big as my palm. I let his stay in the fish pond which I think was the best environment for him in our house. Last Saturday, hinuli ko siya and was surprised to see that his shell is now bigger than my palm and he’s not very shy anymore. In fact, gusto niyang kainin ang daliri ko. Anyway, I left him sa terrace for a few hours for walking walking-on-dry-land time then binalik ko siya sa pond.







*****

ANYWAY. There are a lot of things in my head right now. I so wanna make chika. McVie (with 2 others) is finally having the book launch on the 10th and I CAN’T BE THERE because I will be in Boracay on that weekend (na hangang ngayon di pa alam ng nanay ko... sige bukas sasabihin ko na). Parati na lang ganyan. Whenever McVie invites me to something, I would always be at some place else. But hopefully in the next Fab Casters party makadating na ako kasi I miss getting drunk in a sea of homosexuals. LOL.

*****

Last week I received something from Union Bank.



It was a birthday “gift.” Eh kaso may catch.



Buy one take one na nga sa SBC, kailangan pang gamitin yung Union Bank Credit Card ko. Sana libre na lang, di ba. Ang cheap-o talaga ng marketing ng Union Bank. Kaloka. Well, I never activated my UB Credit Card and had it shreded pa nga last year (kasi the bank is LOUSY, kaya I suppose the credit card service is lalong lousy) so this “gift” is as good as nothing. Ahaha. Bwiset.

I miss iBank. :(

*****

I didn’t go to work today. Well, actually, in the morning I stayed at home and did some catching up with my paper work. My calculator hates me kasi pindot ako nang pindot. LOL! Well at least I didn’t do my rounds. Was just giving myself a break. Sort of.

*****

I spent the first part of my afternoon at Starbucks ATC finishing up on my paper work, then spent the rest of it with the boyfriend eatting and shopping. Nagasgas nanaman ang credit ko. Tsk, tsk, tsk.

*****

I received a couple of cards from my employees today.







Kahit yung isang driver binigyan ako ng card.



Pero walang card sa akin si Nonoy. Hmph! Di ko na siya aamuyin. Hmph!!!

LOL!!! :P

So you see, I’m not a kupal boss. I’m a really nice boss!

Ehehe ehehe.

I know, sablay ang english kasi these are high school undergrads who we gave the opportunity to work for us so really I super appreciate their effort. The other branches and employees sent me text greetings this morning, napuno halos ang memory ng phone ko. :D

*****

Ayoko nang lumabas pa kami for dinner coz I was already tired. And maybe I was also too lazy to think of where my family and I should eat (Although I wanted to eat at the Japanese resto at Casa Susana that we often go to kaya lang super lazy na ako). Kaya we had dinner na lang at home with my Kuya, Ate, Cousin, a nephew and 2 Titas. And that’s how I ended my birthday.

Although it was fun celebrating my birthday weekend with friends, I think I will go back to having birthday vacations again starting next year.

Sunday, 27 June 2010

Birdie, Birdie!

Sa Tuesday pa talaga ang birthday ko pero nag decide akong i-celebrate ito nang sabado para makapunta naman ang mga kaibigan ko. Out of at least 40 guests, 5 lang ang babae. Kamusta naman yun di ba?? Kung di pa ma-gets ng nanay ko na isa akong diwata sa ilog ng Muntinlupa ay ewan ko na. Pero siyempre, may alinlangan factors. Factor number 1, karamihan lalake ang mga bisita ko. Factor number 2, lahat ng lalake wala pang "asawa." At factor number 3, iba-iba ang edad ng mga kaibigan ko. Yung iba mas matanda pa sa Kuya ko. Pero congratulations na lang sa ibang mga bisita ko na marunong sumagot sa mga tanong ng nanay ko. (Lahat ayon sa kwento ng nanay ko kanina over breakfast).

Mudra: "Ikaw, bakit wala ka pang asawa?"
Lalake Bisita number 1: "kasi po kabe-break ko lang po sa GIRLFRIEND ko this month." (Na ang totoo ay kabe-break lang niya sa BOYFRIEND niya this month).

Mudra: "O, bakit maaga ka aalis?"
Lalake Bisita number 2: "Dahil po nasa bahay na po yung asawa ko." (Na ang totoo naman ay nasa bahay na ang asawa niyang LALAKE).

Mudra: "Bakit masikip yang t-shirt mo?"
Lalake Bisita number 3: "Kasi po nasa labada pa yung mga maluluwag ko na T-shirt."

Natawa talaga ako sa issue sa T-Shirt. Hindi ako makalunon nang maayos. LOL!!!

I now have a new respect for GRO’s dahil ang hirap pala yung palipat-lipat ng tables trying to entertain guests. LOL! Pero mahirap pala talaga yun. Yung iba di ko na masyado naka-usap dahil super divided ang attention ko. Nakakatuwa naman ang ibang bisita ko dahil magkakakilala pala. Pwedeng through work. Pwedeng may common friend. At pwedeng sa isang special gathering sa sauna.

CHOZ ang gathering sa sauna. LOL!!!!!!!!

Anyway, I’m glad that most of the people who I invited were able to come. My gulay. Bihira akong maghanda on my birthday, ‘no. I got nervous for a while dahil inabot ng 48 years bago dumating ang mga bisita ko. ("Late entrance, early exit, yan ang bongga"). But anyway, I’m just grateful that they were able to come. Happy na ako dun. That what matters naman. I couldn’t invite more people because of limited space and.... AHEM.... issues with the other guests. Ayoko ng mga eksenang warla sa bahay namin. Heller? Hindi ito Nakpil Malate. LOL!!! But believe me, if I could, I would. Pero next time na lang yan kapag super rich na ako at kaya ko nang rentahan ang isang buong penthouse sa Makati para lahat ng bading na kilala ko makasama na!

DARNA!!!!!

PAGODA cold wave lotion level 100 dahil sa puyat pero happy ako. :)

* Nakaharap sa salamin

Maligayang kaarawan, Bakla.

Friday, 25 June 2010

Boy Toy Story 3

You know when you neglect some things that you used to enjoy for a time in the past and then you get tired of it and then comes a time na you see it once more and you start to enjoy it again, a feeling of a certain nostalgia suddenly visits you and gives you great joy. No, hindi ex boyfriend mo na nakita mo ulit sa Malate tapos gusto mo ulit siya tikman dahil ang hot na niya ngayon kumpara sa last time mo siyang nakita sa bathhouse (ahaha ahaha). Hindi ganung joy, 'noh. I'm talking about material things. I watched Toy Story 3 with the boyfriend this afternoon and I left the theater feeling warm inside. And the good-bye parts nearly made me cry. Natigil lang kasi nainis ako sa mga bata sa harap namin. Punyeta ang ingay. Can we just legalize abortion please? LOL!

Na-sad pa ako sa dog ni Andy kasi he was old na. Like so thunders na talaga. He couldn't run anymore like he used to. He's like my labrador, Dexter. Yesterday nga I went to the basement to say hi to him and when he saw me he had a hard time getting up. That broke my heart talaga. I guess I need to seriously think about putting him to sleep na.

Anyway, I don't wanna be a spoiler and give away the ending of the movie.

Okay. Di ko matiis na di ko i-share. LOL! My 2 favorite parts that gave me the fuzzy warm feeling were when Andy's Mom looked at his room, still with the same wallpaper as when he was a kid, but this time it's empty na, then she started to cry. The other part is when He gave away all his toys to this little girl (I forget her name... I was too busy crying... Choz!) and then he played with the toys for a while with her tapos when it was time for him to leave he waived good-bye to Woody, who after all is his favorite toy naman pala. I swear, kung walang tao doon sa sinehan, suminghot na talaga ako nang malakas. Dinaan ko na lang sa lunok. LOL.

And once it goes on sale, I'm buying the DVD set! TS 1, 2 and 3!

If you haven't seen it, go watch it. I think it's a nice date movie din. Kasi pagkatapos ng movie, makikita ka ng date mo umiiyak. Tapos ico-console ka niya. Tapos ihu-hug ka niya. Tapos you'll go to a motel and have hot sex kasi sasabihin niya "you're sad eh. I wanna make you happy." Tapos in the morning you will tell him "pare, you're my tunay at wagas na pag-ibig." Tapos he'll answer you back, "This is it... This is really it!" Tapos he'll be your boyfriend for the next 3 months.

So go ahead. Watch the movie. Advance happy third monthsary. LOL!!!

Wednesday, 23 June 2010

Kapag Umuulan, Wala akong Dalang Jacket



Nung bata ako, sabi ng Lola ko kapag umuulan habang may araw, may kinakasal daw na tikbalang. I'm sure censored na ang version niya dahil ano ba ang nanyayari pagkatapos ng kasal? Eh di kembangang ungal-ungal levels. Kaya pagkatapos ng ulan, meron tayong brown out. FYI, brownout sa ibang bahagi ng Rizal mamaya.

Sa akin naman, kapag nagsabay ang ulan at araw, ibig sabihin may bading na nagpapangap na bisexual o confused (pwe!) na nagpakasal sa isang bilatchina na nagreresulta sa pagkabasag ng mahiwagang kristal ng World Peace na siyang nagdudulot ng imbalance sa lahat ng nakalista sa table of elements sa loob ng lungsod kung saan gumagawa ng himala si bakla. FLAT SHOES NA MAY TAKONG!! Plunging neckline with raffles and beads! Nakakaloka ang mga nababasa ko sa mga forums na mga badesang nagpapakasal sa mga girlieloo lately. I mean, for the sake of the family, umaabot sa ganung level ang kanilang pagtatago at pagtatangap. To actually marry a girl? Di ko ma-imagine ang sarili ko sa ganun situation. I'd rather die! Magbibigti ako!!!!

Choz.

Ang OA ko 'no? LOL!

Ang totoo hihimatayin lang naman ako sa harap ng altar dahil hindi ako ang naka traje de boda.

Double CHOZ.

Heniwey, may loka effect sa akin ang ulan na may kasamang araw. Ay may reklamo nga pala ako sa punyemas na BPI Privileges Card na yan pero next time ko na lang ike-kwento. Basta, kasinuwalingan ang card na yan. Hmph!

Monday, 21 June 2010

Day Dreamer

Minsan feeling ko tau-tauhan lang ako sa sarili kong buhay. O di ba usapang serious. Di pa ako lasing sa lagay na yan. What I mean is, I wake up everyday, dress up, go to work, lumandi sa yuppy sa katabing kotche pag traffic (hihihi), do my usual branch checking (bahagi na ng buhay ko ang calculator at red ballpen), umuwi ng bahay, trabaho ulit sa home office, maligo, matulog. Para bang nakakasawa. Kaya sometimes I don't look forward to waking up because I already know what's going to happen to my day. But that's me. That's my situation. Some people have to deal with co-workers who have attitudes as kupal as a bobitang artista-turned-politician (o, intriga portion). Others have to deal with unreasonable bosses. While I have to deal with, well... Everything and everyone at work. It's monotony singing. It's true that I should be thankful for a lot of things. And I am, really. But I need a break din naman once in a while. Not necessarily a long vacation. Just enough time to let myself breathe comfortably.

But yeah, I still want a vacation. Hahahahaha. I'm contradicting myself!



Speaking of vacations, I wanna share a picture I took more than a year ago at Pagudpud when I did an Ilocos travel vacation with friends. The place was nice kaso it seems that it's more of a surfing destination than a tampisaw-sa-beach place. Tapos puro lumot pa. That's my boyfriend taking a picture of.... something. Sirena? Syokoy? Hipon ng Fitness First? (LOL!!). I don't know.

Here's another pic I also took facing the other side of the beach. Currently my desktop image. :D



MEANWHILE, if you happen to live, work or study in the Vito Cruz Manila area, you might have noticed the number of Iranians in white med uniforms. Parang dumadami sila. My gulay. They are both hot and guapo. Kung may pechay ako, araw-araw akong duduguin sa kanila. Kulang na lang magkulong sila sa isang kwarto at gumawa ng gay porn. Maloloka si Chichi LaRue dito. Lalagnatin ako nang bongang-bonga sa dream sequence na ito.

Kaya Felipe, GISING!!!

Ang topics ko tumatalon, parang baklang nagba-bar hopping. LOL!!

Sunday, 20 June 2010

Wala Dapat Ako Ngayon Dito

Dapat nasa San Pablo kami ngayon. I even marked the places that we can visit on my Ovi Map (nakanaman. Promote ovi maps ever. Dapat may adsense na ako sa gilid. Hihihihi), including the seven lakes at ruta ng Viaje del Sol. We have the whole day to burn gas. Dapat maaga ang alis namin kanina. NGUNIT SUBALIT DADAPWAT, at 4am there were moments of gold
 and there were flashes of light ang drama ng kalangitan. Anesh itesh? Bagyo? Wrong. Very wrong ito. Kaya text naman si Hani mula sa beautiful city of Manila.

“It’s raining. Tuloy pa ba?”

Hu-well. Sa madaling salita, hindi natuloy ang lakad namin. Back to bed na lang ako. Tapos pagbangon ko ng 7…



…sa labas mas maliwanag pa kaysa kintab ng ulo ko. Heller? Anong nanyari? Ayaw kami papuntahin ng tadhana sa San Pablo? But hu-why?

Anyway, the boyfriend is with his family right now cebrating Father’s Day. I’m meeting him up later after lunch.

We already had our Father’s day thingee last night. Had dinner at the chinese restaurant at the new wing of Bellevue Hotel. I saw an old neighbor with his wife and kid (oh wow, straight pala siya, sorry na lang di ba), a cutie high school batchmate (himatay levels when he said hi and shook my hand… so cute pa rin after all these years) and Joey Becky with his parents (outstanding performance in a straight-acting role, congratulations ‘day!). The food was great pero the service, well, super bagal. We did order a lot pero dinner took almost 2 hours kasi ang bagal ng service. Sabi nga ng nanay ko, “mage-expire na ang make-up ko dito, wala pa rin yung kanin.” In fairness naman, the staff was friendly.

After dinner, fly naman ako to A.Venue Hotel in Makati for my friend’s birthday. I got there siguro 10:30pm so ako yung pinaka-late dumating. When I got to the hotel room, kumpleto na ang mga kaibigan kong siyam na Kingkong Barbie: Jafayshia, Krisheta, Karishona, Heronisha, Javonda, Poshandisha, Dontaysha, Roniesha and birthday girl Vonteja. Kiameshia couldn’t come kasi may duty daw siya. ANYWAY, seryoso pala yung usapang mudpack session. Bakla levels, I love my friends! LOL. Sayang, walang pictures. Di pa daw handang ma-out sa facebook tags. Hahaha.

Thursday, 17 June 2010

B & W: Thursday Date Night























CBTL



I don't think I will be able to get used to this setting. As of this writing, I'm at Bonifacio High Street having a Double choco drink and a choco fudge cake at CBTL. Di daw ako mahilig sa chokolate. There's a decent looking gay man at one table (oh c'mon please wag niyang i-deny. Aminin!). A very good catch for single men out there. At the deeper part of the cafe is a group of ingleseras who look that they're in their 30s. Desperate Housewives of Serendra? Outside is a Mom and daughter who seemed to be too deprived of desserts at home. My dears, huminga naman kayo. And there's a teenager who's attention is too fixed on his laptop, he doesn't notice that I'm staring at him. Iho, nilalamon kita sa tingin.

I'm waiting for the boyfriend. We're suppose to meet here but he's running a little late. So now I'm pretending that I'm talking to YOU. At itatago ko na lang ikaw sa pangalang... Bruno.

So Bruno, bet mo ba itey manchus sa next la mesa? I mean, papable menchus naman itey.

Shyet. Borita adams akey. Sana dumating na si Hani. Wala pang outlet ng saksakan na malapit sa akin kaya death to battery failure da va?

O siya. Bruno. Di ako creative ngayon. Haharapin ko muna ang notebook at calculator. Work mode muna ako.

Wednesday, 16 June 2010

Effort Mag-Isip ng Title Ha

I don’t like it when my Mom goes all nosey on me. After my workout this afternoon, I saw that I have a missed call from her. I called her back thinking it might me something important like I need to go to a branch or there’s a sunog somewhere or I need to go to the palengke kasi wala nang saging sa bahay (chika!).

“Mom, tumawag ka ba?”

“Nakita mo ba yung missed call ko?”

“Oo.”

“Eh di tumawag nga ako!”

“O bakit nga? (sungit mode)”

“Just checking kung buhay ka pa.”

“Pauwi na kaya ako (nagdadabog while driving).”

“Ok Sungit, pauwi na rin kami.”

Kung minsan nakakasakal na rin ang nanay ko. Kaya nga natutuwa ako whenever my Mom and my Dad are on vacation. When they’re on vacation, I’M ON VACATION. Her pagiging uzi? I don’t like it. I never liked it. Mom shouldn’t be doing it anymore. Ok, ok. She might just be worried about her bunsong anak. But I’m a grown independent woman now (choz!). Wala na nga ako sa kalendaryo eh! LOL! Kung minsan nga tinatawagan pa ako niyan kahit na Saturday night, even if she’s at her place in Tagaytay Highlands. Saturday night!! Imagine that. I would be out with my friends and she’d still call me right at the middle of a gimmick. Nakakahiya na.

*****

I actually didn’t go straight home. I went to ATC muna to visit this little store near the food court that sells shirts made in Thailand. Actually, the T-shirt itself is from Thailand pero the designs and prints were done in the Philippines. Anyway, I bought 3 muscle shirts (which I would refer to as Malate pokpok shirts. LOL!) kahit na wala akong masyadong muscles (marami lang akong landi).

*****

Oh my gulay. I got kwento. Speaking of muscles, there was this guy at the gym kanina na cuteness level pero mas napatingin ako sa kanyang chest. It’s so big. Borta level! Nakakaloka tignan actually. Kung may siopao sa dibdib niya, kinain ko na dahil nakakagutom siya kasi he’s cute pa. Tapos nakasabay ko pa siya sa shower area. At malaki talaga dibdib niya. WINDANG KOMANECHI NEH! Kaloka, that’s all.



When I got home there was a dead fly at the foot of our front stairs. Must have died from the heat. Pero baklang ‘yan, dramatic exit. Sa hagdanan pa namin namatay.

Meanwhile, the jejemon returns...



Sorry. Di ko siya friend. Stalker level? That’s so chaka. Cheapy-Chaka. Baka gusto ninyo ng textmate, patulan niyo na. LOL.

Tuesday, 15 June 2010

Found It!

I have been blogging on and off since 2003. I started with blogspot, abandoned my first account and created a 2nd one. Then because of privacy concerns I moved to livejournal (nahulaan ng kapit bahay ko na ako yun!). NOW I'm back to blogspot with my 3rd account. Ako kasi I tend to forget what I've written about kaya sometimes nagugulat na lang ako na my friends know about this and that and I would go, "Ha? Nasulat ko ba yun?" So yeah, that's how I am.

Last night, I was googling up myself (with more than 1 keyword) and found my old blogspot blogs. I'm NOT gonna share the URL with you kasi my entries were really embarassing: content, grammar (I seldom proof read) and PICTURES. But my old site was kinda popular with my friends because of my kwentos about my Mom.

*****

July 22. 2005

My Mom got Bern's and Mia's boyfriends mixed up. Sabi ko sa kanya Si Bernice ikakasal na next year. Tanong naman ng nanay ko,

"ah, doon sa taga-Cebu?"

"Hindi, yung taga, Bacolod"

"Parang 1 year lang yata sila, ah?"

"Mommy, isang dekada na silang mag-boyfriend."

"Di ba kay Mia yun?"

"Kay Bernice"

"Sino ulit si Bernice?"

"Yung nakatira malapit kay Tita Golly."

"Yung bumibili sa iyo ng bato? (diamonds)"

"Si Mia yun"

"Yung kasama natin nung Edsa dos?"

"Si Bernice yun."

"Ah... si Mia yung ikakasal."

"Si Bernice nga."

"Yung may boyfriend na taga-Cebu?"
(repeat lines 2 to 10)

*****

If I have the time, I will try to merge my old funny entries with my current blogspot site (before blogger.com starts cleaning up inactive blog sites). I can't access my old accounts anymore. Nakalimutan ko na yung mga username and password ko.

La lang. My little project lang naman.

And in case you have been blog reading since 2005, this was my banner:

Monday, 14 June 2010

I Don't Care if Monday's Blue

What's with the weekend ba? Puro sad stories ang naririnig ko. I have this friend who's boyfriend just broke up with him and he's so hagulgol with matching i-am-the-saddest-nilalang-out-there-I-swear moment. Sabi ko na lang, "girlfriend, single ka na day! Lumandi ka na! Go for gold!!" And there's this friend na may love problem. He likes this guy he dated last week and he's like naloloka ala axe effect for him kaya lang the guy yata is not interested kasi friend is too young for him. Sabi ko simple lang yung problem niya. Watch Legally Blonde. Bend and Snap lang kaya! LOL. AND THEN there's this other friend of mine. Straight siya kaya JUSKO DAY serious ang problem niya. He and his wife visited me at home last night to seek my help. Their daughter kasi is handicapped and they need assistance for her therapy. In other words, isa akong piggy bank kagabi. I'd like to help naman if I have enough to spare. Sana I were as rich as Manny Pacquiao (Diyosas forbid, pera lang ang makopya ko sa kanya hindi mukha niya) I can make pamigay pera here and there. Sky's the langit! Pero I'm a business man and I use money with my business to make more money because that's my bread and butter. My gulay, my friends know I don't even make time for a long vacation (Pero Boracay humanda ka sa akin next month susugurin kita!!). Anyway, I gave them some help naman But only the amount that I can give without collateral and interest. Anyway, they're my friends. I'll think about it as a form of help. I'm so ready na for my sainthood!

"There you have it ladies and gentlemen... Miss... Venezuelaaaaaaaaaaah...."

I don't wanna dwell so much on the things that make me sad. Sayang ang time. Anyway, it's a holiday and I'm at the office now. I was in muni-muni mood this morning kasi I was sad nga (or wala sa mood maging jollibee) due to my weekend tapos I was just staring out of the car window. Siguro akala ng driver ko psycho nanaman ako.

Rawr.

Anyway I'm fine. I just need to get home later and swim. Or sleep. Whatever. The dramas of the universe is so nakakahawa, grabe.

Saturday, 12 June 2010

:-(

I seriously need more friends.

*****

10:15pm nasa bahay na ako.

*****

But it's a Saturday!

*****

I want a massage.

*****

It's not a fun weekend for me.

*****

I want ginger tea.

*****

I'm too lazy to drive to Bona Coffee in Westgate.

*****

ho-hum.

*****



*****

I wish I have friends who live nearby. Then I won't be swimming alone.

Thursday, 10 June 2010

Today at SLEX

Hay nako this Metro Manila traffic talaga spells malas. So I was on the road kanina heading to Bonifacio High Street to meet up with my boyfriend kasi he had a meeting somewhere near the area and he couldn’t come to Alabang to meet up with me on time. I left Alabang about 3PM tapos on top of the Filinvest bridge pa lang I could see the north bound SLEX traffic na. Okay. The scenario was stop and go, stop and go because gapang talaga. I readied myself for at least an hour drive. Mantakin mo. I was listening to the Hangad album and I was on brakes pa nang biglang... BANG! Someone hit me from behind. This was just before the Alabang viaduct ha, right at the foot! I looked at my rear view mirror and saw that it was a Revo that bumped me. Akala ko taxi, I was ready for my taray pamewang pose na. But it was a private vehicle. Anyway, I was cool, the thunder cat behind the wheel of the other car was cool. Feeling ko talaga he was texting when he hit me. I asked him about it, napapikit lang daw siya for a sec. Ang malas naman ng 1 second niya na yun. And it’s good that he admitted that he was at fault dahil my insurance just expired. Hahahaha. Tangina. My insurance company (I’m so quick ‘no?) told me to get a copy of his insurance contract (which I did in pictures) and police report (which I will pick up tomorrow) and OR/CR of vehicle number 2 and then he’ll make magic na lang daw (I love my ahente. He’s so nice and cute and fuckin’ straight, leche). Suffice to say, I need to get a new insurance contract with him. Haaay. So what was the damage?



A claw-like scratch at the rear of my car. My right back up sensor got damaged as well and I’m super sure that will NOT be covered by his insurance kasi that actually ruins my electrical warranty.



Plus the right side of my bumper got lawlaw a bit. Nothing major but it’s obvious that my car got into an accident which is kinda nakakahiya kasi my neighbor will now think that I’m a lousy driver which I’m not (I’m so galing kaya!). Ako kaya ang binanga! Conscious, di ba?

Fucket.

My car just turned one year old. Happy birthday to may car na lang.

Medyo hassle lang was everyone was looking at us. Lahat ng dumadaan. I was like, "Heller?? Ngayon lang ba kayo nakakita ng kalbo??"

The 2 highway patrol people who assisted us were courteous naman. But Mr. Thunders and I needed the Police Report for the insurance ek-ek. Kaya the highway patrol motorcycles escorted us to the alabang police station complete with wang-wang pa. Lahat ng vehicles tumabi for me. O di ba, para akong si Princess Di before she died (eeeek!).

It took us about an hour to process the whole thing kasi the police was writing it in english pa so di ba. E.F.F.O.R.T. One police guy took pictures of our vehicles tapos ipa-padevelop pa which I kinda found weird. Ano ito, full service deluxe? Bongga ha. I was ready na to give money, or as my Mom would call it, “Pampadulas.” Yun pala may catch. The charge for the photocopies was 15 bucks. Tapos for the pictures was 200 per car. That’s 215 pesos for me! Raket, pare, raket. But I think that’s better na than, uhm, 500 bucks. LOL!!!!! So keri lang. Frankly, I don’t like the police in general, I believe they’re spawns of the devil, but kanina they were courteous and maayos kausap. Yung isang police doon hindi siya guapo pero I wouldn’t call him panget naman, tapos ang macho-macho niya, I could see his biceps as he does his paperwork on his desk. Bathhouse quality, my gawd. Pumuputok ang muscles, as in! I’ll call him PO1 Borta. Wish ko sana siya na lang yung nag assist sa amin. Haha. Tapos bigla kong natandaan yung balita na minsan may mga police na sumasali sa mga gay orgies sa Makati at Ortigas. Tapos inimagine ko kasama doon si PO1 Borta.

Kaloka.

Obviously this thing took up so much of my time, natapos na ang meeting ni Hani so he drove over na lang to Alabang. I didn’t feel down naman with what happened. Like what I said, I was cool. I was even smiling. I smiled some more when I imagined PO1 Borta in that orgy. JOKE! LOL. My point is, hindi ako galit. It was an accident. It helped na Mr. Thunders admitted that he was at fault. So I really deserve the Ms. Congeniality award this year na. You know, for world peace. LOL.

Nung nakita ko si Hani, he gave me a box. Early birthday gift niya sa akin sabi niya. Nagtaka ako kasi hindi naman magka-kasya dun sa box yung Mini Cooper S. CHIKA!!!! LOL.



He got me a new phone. A Nokia N71 N79! Isn’t my boyfriend the coolest? Parang yesterday lang I was drooling about it tapos ngayon he gifted me with one. My boyfriend reads my blog talaga!! Hahahaha. Pero I wish he wouldn’t spend so much money on expensive gifts. Basta. Anyway, thanks Hani for the gift. Of course I appreciate it. I love you!

:) :) :)

Lessons for the day:

1. Wag makikinig ng Christian music habang nagdi-drive at baka bangain ka ng matanda.
2. Hindi lahat ng pulis bondat. Meron ding borta.
3. Hindi mo na kailangang magbigay ng pampadulas sa pulis dahil kusang dumudulas na ang pera.
4. Gawing madalas ang pagblog ng wish list at pwedeng magkatotoo. LOL!!!!

Wednesday, 9 June 2010

One Hour sa Mall

Dati-rati, a 30-minute run on the treadmill spelled s-t-r-u-g-g-l-e. Pero now a 1 hour run is trouble-free. Well, except for this little pain on my left foot and a little discomfort on my left knee. Yun nga lang, dapat may pinapanood ako sa iTouch ko. It's amazing how distraction can make you do more, 'no? After gym, I went to ATC for lunch. Because I won't be doing my rounds today and will be in my home office in the afternoon doing paperwork, I went out in a shirt, puruntong shorts and tsinelas. O di ba, feel at home talaga. I look like a skwakker but that's ok at least nobody will realize that I'm a princess.

Chika.

Walking around in tsineles is so not comfortable talaga. Kahit na Havaianas pa yan or Hawaiianas (ahaha ahaha), instead of mobility, my concern would be not to let my flip flops slip off my feet kasi nakakahiya yun. I saw the Burger King sign sa plaza and decided to eat there na lang. I was greeted at the entrance by a chaka with a lousy and insincere "Good afternoon, sir." Nakaka inis yung ganun, 'no? If they can't greet their customers properly, better not greet na lang. Chaka na nga, lazy pa. DIE, HIJO DE PUTA, DIE!!!! Mabuti pa ang masahista, malambing yung "Good evening sir" nila. Hihihihihi.

* Pause. Inisip si Alvin.

* Napakagat sa lips.

Hihihihihi.



ANYWAY, I got myself the BK Steakhouse Burger meal. For 195 pesos, it was the saddest looking buger I've seen. When I unwrapped my food, it looked so flat, akala ko Burger McDo. When I looked at it sideways, it was so ugly, mas maganda pa yung anak ni Greta. LOL. It tasted ok lang naman. Nothing to rave about. Nag Brothers Burger na lang sana ako. Mom and Dad always get this burger when they dine here. I. Don't. Know. Why.

I went around the mall pa checking out gadgets and stuff. I love the mall's top level. It's where the toys are. I looked at the Nokia phones on display. I'm still drooling on the N97. It's a nice Smart phone kaya. Free pa yung GPS map. I checked out the new laptops too and wow, notebook computers now are so cheap. Imagine, dati parang Vespa yung price ng isang laptop. I saw the mobile One kiosk too. Drool on the Blackberry. I like the Blackberry more than the iPhone kasi, like my old Treo, it has a real qwerty keyboard. Kaya lang, like the iPhone, magastos gamitin yung map niya kasi data connection is needed unless you got an unlimited data subscription. The iPhone and the BB are a maluho person's smart phones. But you gotta admit that the new iPhone is REALLY pretty. But anyway, I drool on all 3 phones.

*****

While driving home, ino-okray ko si Mary J. Blige sa radyo.

You know I love music

"Oo naman. Singer ka, eh."

And every time I hear something hot

"Ano?"

It makes me wanna move

"Ingat ka lang. Lola level ka na. Wag kalimutan ang calcium."

It makes me wanna have fun

"Umayos ka. Mas thunder ka pa kay Mariah."

But it’s something about this joint right here

"Saan?"

This joint right here

"Ah ayun."

Its makes me wanna…..Woooh

"Nagka orgasm ang Ate kong negra."

*****

I'm thinking of going to church tonight. And eat out again, as well.

Tuesday, 8 June 2010

Mishu



When I'm in bed and still awake late in the evening, staring at my room's blankness, I imagine you digging under my sheets like what you used to do...



...searching for that tight, warm and comfy spot that always turns out to be between my 2 feet.



It has been almost a year.



If rainbow bridge does exist, I trust you're having a blast there.



I have long recovered from this loss...



...and have moved on.



But there are still days that I miss you, Mimi Sue.

Hindi ako sad. It's just one of those days that I cherish your memory.

Monday, 7 June 2010

Sapul

Witty. Very Witty.



Wala. Wala akong ma-post. LOL!!!

Sunday, 6 June 2010

Back to B



As soon as we stepped in the club, we said hello to Doc, got our drinks from the bar and stayed at this little corner near where the topless shrimps were dancing. Bogmalert sort of found his new sense of liberty (i.e. gusto niyang magpaka hard core pokpok) kaya gustong pumunta ng Malate. Pero hinatak naman kami ni Hani para may kasama daw siya. Winner. Ang tagaaaaaaaal ko nang hindi nakakapunta sa Bed kaya last night I felt kinda weird being there. Dapat kamo excited pero hindi eh. Sabihin na lang nating hindi na ako interested sa mga kaganapang kiskisan. For the first hour I was super not comfortable. But as is the case in the past, alcohol lang ang katapat. And man oh man oh man, I missed alcohol A LOT!!! I also missed cigarettes pero mas na-miss ko ang alcohol. After finishing my first bottle of beer, tinapos ko naman yung beer ni boyfriend coz he doesn't really drink naman and I didn't want him to drive home drunk. After that, it was vodka tonic for the rest of the night. I think I had a total of 4. 5 glasses max. I looooove Vodka Tonic. I texted McVie if he was in Malate too pero nasa ibang planet pala siya kagabi.

Hani went home early. He was already tired na nga when we got there. Buti tumagal pa siya until 3am (clap clap clap clap!). I was glad to find old acquaintances in the club. Para kaming reunion ng mga senior citizens. LOL! Bogs jammed very well naman with them kaya tumambay na lang muna ako sa bar and entertained myself with my drink/s while watching the bartender do his job. There was this baklitang who was trying to keep a conversation with me. He was telling supposedly funny stories kaya laugh na lang ako for charity's sake. Hindi ako natatawa sa kwento niya. Natatawa ako sa English niya. Ba't ganun, kailangan nating mag English kapag nakikipag usap sa taong di mo kilala. It's like automatic na lang. Mabuti pa itong isang friend ng friend ko who appraoched me at the bar. Tinagalog na lang ang kanyang saloobin.

"Felipe, once upon a time, ikaw ang aking object of masturbation."

O di ba, short and snappy. LOL. Nervous laugh naman ang nasukli ko.

Oh yeah, Bogmalert is back. Yan ang announcement ng lola mo. Anyway, may kausap ako, hindi ako sure kung si Bogs ang nagsabi pero ang sabi niya "What happens in Bed stays in Bed." So yun na yun. Mabuti naman dahil wala na ako masyado maalala sa mga kinausap ko kagabi. LOL. I still have my cellphone, credit cards, driver's license and car keys, ayos na yun.

Bogs, 3 friends and I got out of Bed nung closing. Kami na lang pala natitira sa 2nd floor. LOL. I got home may araw na. Minsan na lang ito manyari so yeah, I cherished the hours.

Power kung power. I woke up at 10am. Had lunch with Hani at the Powerplant mall. Hangover? What hangover? 2 Biogesic and 1,000 mg of vitamin C pwede na!

Friday, 4 June 2010

Ang Unang ka-IRC

Before Facebook, or Friendster, or Gringo, or MySpace, or Grindr, or G4M, or PlanetRomeo, or even Picturetrail (I'm flexing my memory here), there was MIRC. More than 10 years ago, IRC was a popular venue for gay men to meet up ( or hook up) with other gay men. Paki recall ang maingay na dial-up modem please? Tapos aawayin ko pa nanay ko kung bigla niyang inaangat yung extension ng telepono kapag online ako. At 2.5k pesos ang unlimited internet noong araw! If I remember it correctly, it was a college friend Trissie who instructed me how to download, install, chat and enter gay chat rooms with MIRC. Yes, isang gurl ang nagturo sa aking umalembang digitally. So thanks to her, nandito na ako sa online world! Bilang isang Neo Bading, di ko pa alam ang mga pwede at di pwede kong gawin pagdating sa aking security. I was friendly to everyone online kasi I was still very much curious about this new world called Kabadingan. I cannot forget the first guy I met up with. Tawagin natin siya sa pangalang W. Gusto ninyong maloka? He said he was straight, has a girlfriend and that he's just open minded lang to meet other guys. Sige, tambling na.

I invited him to come over to our house. Again, freshie pa ako nun and didn't realize I could have gotten in trouble with what I did. But he was a good guy. He was about 5 years older, Chinese, medyo mataba, braces, not too tall, talks very well (Atenista 'day. Twinkle naman ang eyes ko) and has lots of money! Hahaha. Kahit na Chinese siya, he wasn't my type. Hindi naman talaga siya gwapo. Pero na-attract pa rin ako sa kanya because he was a gentleman. Actually pinagalitan pa niya ako pagkapasok niya sa bahay namin. He was telling me not to trust people I meet online and never tell them where I live. I listened naman.

W treated me to dinner in ATC. A couple of high school and college friends saw me pa nga (you see, this is why I hate ATC. I'm bound to see someone I know!). They asked about the stranger I was with. Sabi ko na lang na W's a classmate. And I always get away with that alibi. After dinner I drove us back to my house, stayed in my room and lied in bed. Sa totoo lang walang sex na nanyari. Ngunit may isang malaking PERO. I told him na virgin pa ako at never pa ako nakakita ng hubad na lalake in person. Hindi pa ako nakakakita ng titi ng ibang lalake! Peksman totoo yun. Heto naman si W, isang willing na teacher, he unbuttoned his fly habang nakahiga sa kama ko at ayun na.

Ang titi.

Eiffel Tower in the flesh. Emphasis sa flesh.

Ang unang titi ng ibang lalake na nakita ko nang up close and personal. Nakakaloka. Para akong nakatitig sa aparition ng Birheng Maria dahil natameme ako nang bongang-bonga. He was having a hard-on at ngayon ko lang na-realize, after all these years, as I'm writing this entry, that he was excited with the situation.

"Gusto mong hawakan?"

Siyempre, dahil sa windang in loka levels, napa "Oo" naman ako nang 1,000 times. Excited??

Hinawakan ko na parang nakahawak sa stick shift. Himas, pisil. Hindi masyado mahaba pero mataba (uy. Biglang may natandaan akong ex. Hihihihi). Kakaibang feeling. Tuwang-tuwa ako. More himas, some more pisil. He was moaning. Ako naman, more tuwa levels. Para akong nalalaro ng joystick ng Pacman. A few more minutes he buttoned up his jeans and hugged me in bed. Clearly, this is not a sex story kasi tapos na ang genitalia exposure!

We were back to talking when he asked me if I liked kissing.

"I haven't kissed anyone yet," sabi ni yours truly.

"Not even a girl?"

"No" (Ew kaya).

He asked me to go on top of him (may Laila Dee syndrome 'tong lalake I swear) and then we started kissing. Well, HE was kissing me. I was just there... Frozen.... And submissive. Parang oral slave. LOL!!!! I felt his tongue play inside my mouth, then gently sucked my tongue. French Kissing in the Philippines, di ba? Wala akong naramdamang excitement kasi ume-effort akong naka patong sa kanya eh medyo jubes siya nang slight.

I'm getting bored making kwento about this. Basta he was my first kalaplapan and titi encounter (FYI, I gave and received my first blow job with my first boyfriend. Tapos more himas and pisil in the next 3 months. 3 months lang talaga, 'no?? Hahaha). Yun na. Yun lang ang nag-iisang beses na nakita ko si W though we kept in touch for a while through texting. Ang huling balita ko lang was he went abroad to study culinary arts or something similar and that was the end of it.

ANYWAY, recently I was going through my address book and saw W's name again. Searched for him on Facebook at ayun, he's alive and kicking. AT ang laki na ng pinayat na niya ha. He looks older though. I guess bumigay na siya dahil base sa mga litrato niya sa Facebook, meron siyang jowang afam. Nakakatuwa lang ma-recall ang ilang bahagi ng aking pagdadalaga.

Wala lang. Share ko lang. Yun lang.

Thursday, 3 June 2010

Sappy

I don't know lang ha pero I was senti this morning. And you know what's really weird? I don't know what I was senti about! Siguro nahawa lang ako sa pagmuni-muni ng mga kaibigan ko. What is wrong with them?? Hayyyyyz! The real question is, what is wrong with me?? Tapos I was listening pa to Hillsongs music on my iPod. Hala!!



Muni-muni... Muni-Muni...

Maybe the weather's also making me feel like this. The rain brings back a lot of memories from different stages in my life. From childhood, grade school, high school, college and finally Womanhood.

CHOZ sa womanhood!



I just had lunch with my Mom and Dad at Hap Chan in BF Homes. At least that cheered me up a bit. Though the fried noodles that Mom ordered sucked big time. Literally, para akong kumain ng papel na may sauce. Ang weird. Si Dad naman sarap na sarap, naka pikit pa habang kumakain. Ah wait, nakatulog pala siya habang kumakain. JOKE! Hihihihi.

Di ko gets yung comment ng nanay ko about my jacket.

"Maganda yang jacket mo. San mo nabili yan"

"Mom, sa Bench ko 'to nabili 5 years ago na kaya."

"Ay pangit pala."

"Ah hindi, Giordano pala."

"Ayan, gumanda na siya"

Laitera nanay ko. Kainis.

I'm meeting the boyfriend a little later. Hayyyy.... I'm so full. Sana tonight I'll still have space for dinner. At sana tomorrow I can run na!

Wednesday, 2 June 2010

For Sale: White MacBook, Unibody

Before I sleep, I wanna announce something.

My friend is so bonga, he's getting a MB Pro kaya he's selling his 2 month old White MB. Kaya if you're interested, here are the specs.

White Macbook
13.3" display (1280 x 800 native resolution)
Unibody
250 GB hard drive space
2.4 ghz intel Core 2 Duo processor
2GB RAM
NVIDIA GeForce 320m graphics processor
8x SuperDrive (DVD+/- R DL/ DVD RW / CD RW)
stereo speakers
built in microphone
10 hours battery life per charge
multi touch trackpad
Wi-Fi wireless
Bluetooth
Ethernet RJ-45 connector
iSight camera

Basta lahat nasa website! Effort mag-type. LOL.

My friend is including a screen protector and a transparent case.

With warranty pa rin. Murang-mura! I'd buy it if I need it. But my 1 year old MacBook has been loyal to me. And my 3 year old iMac is still alive and kicking. So see? A mac is a good investment. Di pa nagkaka virus so you can download torrents all you want, view porn all you want!! Hahahaha.

All these for 45k. If interested, you can text him at 0917 8557087. Sabihin mo na lang na nakita mo sa ad ni Felipe. :P



Okie dokie?

Good night! =)

Flash Flood

Akala ko kanina masa-stranded nanaman ako sa BF tulad ng nanyari sa akin noong panahon ng Ondoy. I was in one of my Las Piñas branches when it started to rain. The pour was hard but I never thought the situation would get worse in just a few minutes. On my way back to Alabang, nakita kong baha na sa El Grande.

DEATH!

Tapos there was a part in Tropical na kailangan kong ilusob ang kotche ko sa baha. Inisip ko na lang, "For the glory of Alabang, go for gold!" Yes, walang katuturan ang cheer ko. Pero na-low batt na yung iPod ko at hindi ko matugtog ang playlist ko kaya wala na ako sa wastong pag-iisip.


Elizalde going to Concha Cruz

Pagdating ng Concha Cruz, napakanta ako ng Cry me a River dahil mukha nang river ang kalye! Imagine, sa loob ng 30 minutes, nagkabaha na. Nag pray talaga ako na sana masaklolo yung pogi na nasa loob ng car na red (ako yun) para makabalik na ng Alabang. Nag U-turn agad ako derecho sa Elizalde.


Concha Cruz

BAHA!

U-turn ulit tapos left turn papuntang Aguirre.

BAHA!

Pero pinagtyagaan kong maghintay sa traffic dahil wala din naman akong mapupuntahan. On my left may cutie na naka Honda Accord na nakikipag eye contact sa akin. Smile siya. Hinimatay naman ang kaluluwa ko.

"Shyyeeeeet.... ba't ang pogi-pogi niya? Tignan mo, o" sabi ko sa imaginary friend ko. Tawagin na lang nating siyang Akihiro Sato. LOL.

At dahil diyan may tumawag sa cellphone ko.

"Malakas ang ulan, nasaan ka na."

"Dito sa BF na stranded." Translation: Dumidilim ang langit. Lumalakas ang ulan. Tumataas ang baha. Naiihi ako. Malapit na yata ako mamatay, MOTHER!

"Ba't ka pa kasi nagtrabaho pa ngayon."

"Wala kayang ulan kanina!"

"Oo nga naman. May punto ka diyan. Derecho ka na ng Alabang ha."

Pagtingin ko ulit sa kaliwa ko, tangina, nauna na si cutie. Sinugod na niya ang Accord sa baha at nakatawid na. Nanay ko talaga wrong timing lagi! Mukhang may nakinig naman sa dasal ko earlier dahil pansamantalang tumigil ang ulan, lumiwanag at surprise, surprise. Bumaba ang baha. Sumugod ako sa baha at success din naman, thank you very much. Right turn sa Tirona.

WACHAK!

Traffic at baha. Pero mukhang hindi naman malalim yung baha. Tama naman ang hinala ko dahil yung Civic sa harap ko nag over-take sa pila at nakasugod naman. Sumunod naman ako. At sa muli, SUCCESS!

Para akong nakalabas sa Jurasic Park nang makita ko ang Zapote road. Ang OA di ba? Pero ayoko maulit yung nanyari sa akin last year nung dumating si Ondoy. Haggard talaga yun.



Kasalukuyang umuulan nang very very bad bad sa labas ng bahay namin.