Followers

Saturday, 31 July 2010

Puson-Ache

Habang tumatagal, parang lalo akong nababahalang pumunta sa gym. Ang daming temptations! Nakakaloka. Ang bawat titig ng mga lalake, ang mga pasulyap-sulyap ay nagpapagutom ng sabik sa aking kaluluwa. In other words, may cancer na ako sa puson.

CHOZ.

Tulad na lang yung kanina, yung isang gym crush ko na siguro nasa late 30’s na ino-aura-aura din ako, katabi pala ang locker ko yung locker niya. At habang nag lalagay na ako ng mga gamit sa bag ko na nakapatong sa bench, sa harap ko siya nag hubad ng shorts at underwear at 5 seconds na nakatayo lang siya sa akin habang aninag ko si tweety bird. Exhibitionist level? Kamusta naman yun di ba? Tapos sa dry sauna may isang cutie na chinito na bagets na kumakausap sa akin. Thank you na lang na kahit na paano perky pa rin ang boobs ko at may natitira pa ring alindong sa katawan ko. LOL! Kaso may daot na pumasok. Isang CHUBILITA na member ng Madrigal Thursday group. Siguro 20 minutes lang siya nasa workout area tapos mas inatupag pang rumampa sa mga sauna. Pumayat na siya dati 2 years ago. Hindi ko maintindihan kung bakit mukha nanaman siyang aparador ngayon. Anyway, dahil pumasok sa dry sauna si Daot na Jubez, umalis tuloy si bagets. Bwiset na walking aparador na yan. Meron na sana akong bagong friend.

CHOZ!

Ay. At nasa gym din pala si Rich Boy. Si Rich Boy yung lagi kong nakikitang may dalang hot car. Minsan Volvo XC60. Minsan MB SUV. Kanina it was a BMW SUV na sporty looking. I’m certain it wasn’t an X3 or an X5. Basta imported. May itsura naman siya. Slim type na toned body. Mas guapo siguro siya kung nakahubad. CHIKA. Naiintriga nga ako sa kanya eh. Ano kaya ang raket ng mokong ito at very bonga ang baon niyang kotche lagi. Anyway, kanina naaninag kong he was watching me while I was on the treadmill habang watch naman ako ng video on my iPod Touch. Nanginig naman ang mga utong ko sa kilig da va? Heniwey, hanggang doon lang naman ang pwede kong gawin kaya stage 4 na ang cancer ko. LOL.

*****

Madalas na nakikita kong mga lalakeng foreigner na may bitbit na inday or pokpok ay mga matatanda or mga chaka na pera lang ang katapat para may pumatok na bilatchina sa kanila. Pero kahapon habang bumabaybay sa kahabaan ng Aguirre Ave. sa BF Homes, namataan ko ang afam in white sando na ito.



Kay swerte naman ni Maxima Labandera! May fetish sa mga er na gelay si puti.

Wednesday, 28 July 2010

No Cook Today

Nasa Gloria Maris kami. Nag order tatay ko ng beer. Tumingin sa akin yung waiter at nagtanong.

"Isa lang ser?"

Tinaasan ko siya ng kilay. Sa isip ko sabi ko sa kanya "Vakla ako. Hindi ako nagbe-beer. Meron ka ba diyang Long Island Iced Tea?"

At biglang nagising ako.

"House water lang kaming lahat," sagot ko.

Ang ingay ng isang pamilyang Koreano sa likod ko na may isang dosenang anak (go Papa Kimchi! Go for gold! More power!) ay parang assembly ng mga sundalo mula sa North Korea. Hindi ko maintindihan. Mukhang diktador ang mudra.

"Koroto kaka cheche rororo ratatatatat!"

Family dinner night. Walang cook sa bahay. Kaya nagdecide na sa labas kami kakain tonight.

Ang nanay ko lahat ng makitang customer pinintasan.

"Tignan mo yung babae, ang tanda ng asawa. Sugar daddy siguro yan."

"Yung nanay doon sa kanto, parang torotot ang boses. Ang ingay."

"Yung lolo na yan mukhang aatakihin na sa puso. O tignan mo, tignan mo! Abangan mo. Abangan mo....!"

Ang Tita Golly may baong joke. Siguro daw mga Pilipino si Adam at Eve dahil walang trabaho, walang pera, walang damit, walang bahay pero anak pa rin nang anak.

Sa kabilang dako ng restaurant ay may isang pamilya na naka-puwesto. Isang matandang tatay, isang may edad na nanay, isang anak na lalake at isang anak na babae na mga nasa 20s or early 30s. Sumusulyap sa akin ang lalake. Aba. Pogi. Tapos ngumiti. Pumalakpak ang pekpek ko nang 1,000 palakpak per minute. Tapos natandaan ko na kung sino siya. Nakakasabay ko nga pala siya sa gym kung minsan. Award sa senior citizen moment ko. Ang palakpak ng pekpek ay naging utot. Sinuklian ko ang ngiti niya nang isang tango at pa-tweetums na smile. I swear, kung kinindatan pa rin niya ako mamamatay ako sa dysmenorrhea.

Wipe out ang lahat ng inorder ni mudra. Hampas lupa level kami dahil super gutom ang mga pamangkin ko. Ang ending, bondat kaming lahat at ang tatay ko lasheng.

*****

Death anniversary ng pusa ko today. Isa ba akong pathetic na nilalang para matandaan ko pa kung kailan siya namatay?

Tuesday, 27 July 2010

Sunday, 25 July 2010

Yosi Break Kuno




This is so bulok. I'm here at the Alabang Country Club for a meeting (yes on a Sunday!!) but I'm like bored to death. I tried calling the boyfriend but he's in dreamland. I kinda woke him up pa nga when I called pero ayun, I let him sleep again. I texted RF pero deadma sa text. Tapos it's raining so hard pa now, I don't know how I can go back to my car later kasi I didn't bring a jacket. Olats lang naman di ba? I'm here at the Veranda right now. Kunwari cigarette break. Di naman ako nagyoyosi. Ahaha ahaha. Ooops. A batchmate just passed by. Wow. He's big na. He's fatter than me! LOL. Oh. ACC has a nice looking library downstairs. Much better than the old one. I can make tambay there whenever I feel like hiding from the world if I'm in drama mode. Like my old school, The Country Club has changed a lot na. Nung grade school and high school ako tambayan ko din ito kasi I didn't have friends and money (o drama, shet ka bakla). When I get hungry, order lang ako ng food sa veranda. Swipe lang ako ng membership card. Tapos tambay sa library or swim sa pool. Tapos rent out a video tape or a laser disc (laser disc pa talaga!) before going home using my Kuya's Yamaha FZR motorcycle (butch levels, right?).

Anyway, the yakuza gang making tambay at the sofa is looking at me right now in a scary way. Either gusto nila akong tortahin or chukchakin or inggit sila sa beauty ko dahil mukha silang matatandang sukiyaki. Pwe! Sige, balik na ako. Tapos na ang yosi break. Ahaha.

Monday, 19 July 2010

Q & A Portion

May nagtanong sa akin sa party, bakit daw ako hindi nagsu-sulat ng mga sex stories like other gay blogs. Nagulat ako sa tanong -- sabay lagay ang kanang kamay sa imaginary boobs. As I was about to answer him, another blogger grabbed me by the arm and dragged me outside to meet the other bloggers and guests (na kung bibigyan ako ng quiz ngayon tungkol sa mga pangalan nila ay siguradong ibabagsak ko nang mas malalim pa sa lupang kinalilibingan ni Markova). HU-WELL. As for my "my pamily is the mozt imfortant fersons in the whole world I thank you" answer, ganito kasi yun. Unang-una, 3 years nang may jowa ako kaya siyempre dapat behave ang Ate mo dahil kung hindi black eye ang abot ko sa left, right and center na may flying kick pa. NGUNIT SUBALIT DADAPWAT with kembot on top, I can be naughty and crazy if I want to. Anyway, I'm a very good girl naman. A very very good good girl. Unless lasing na ako in unimaginable leng-leng levels, wala na ako magagawa kung temporarily nag evaporate ang aking morals. LOL!

Pangalawa, malandi ako, hindi malibog. May difference yun. Malandi yung lahat ng mga lalake sa kwarto kinindatan at hinalikan mo. Siyempre kailangan mo ding maging choosy. Doon ka sa cute or hot at hindi yung sa charity case. Malibog yung kinain mo yung puke ng lahat ng lalakeng kinindatan mo. Hardcore kung kinain mo yung puke ng lahat ng lalakeng kinindatan mo including the charity cases. Taksil kung nakipag trade ka pa ng numbers para sa 2nd, 3rd at 4th rounds. Award ka kung ganun, 'te, AWAAAAARD!

Pangatlo, paniniwala ko na kung ano mang espesyal na emosyon at panahon na ipinamahagi mo sa isang tao ay nararapat lang na manatiling pribado. O dava, it's so Miss Universe. Duncha lavet? At pang-apat, ayokong maniwala na dahil lamang sa bading ako, by default tungkol sa hada na lang ang ike-kwento ko. Pwede din naman ang health, fitness, music, embroidery, cooking, at fashion and beauty tips. Isang malaking CHOZ. Anyway, thats just me. I write because it makes me happy. This is my online diary. Nobody needs to read whatever I write. If you don't like what I write then don't visit my blog. If I entertain people somehow then I'm happy that they like my being shallow. Yun lang naman. I thank you. Mabuhay!

* wave ng hand sa audience

It Felt Like a Long Weekend

It’s Sunday night and it’s late and I’m still very much awake thanks to my afternoon nap. Para akong ginahasa ng sarili kong unan na hindi naman ako pumalag. My sched yesterday was bongga-ly packed and I loved it. So, morning I was at the gym and worked out for about an hour and a half. JV my high school crush was there. Kalbo na like me pero so cute pa rin. Tapos sa lockers nakita ko siya naka white briefs. I felt fat kasi he was so hot. I had a 3-second pornographic fantasy of pinching his butt and then I woke up. Tangina, nagpalpitate talaga ako kasi gusto ko talaga siyang kurutin. LOL! HENIWEY, I saw him again at the lobby and this time I said HI na talaga at nagkamustahan session naman ang dalawang kalbong bakla.

BUTI na lang naligo ako sa gym dahil pagdating ko sa bahay wala pala kaming tubig. Ang lupit sa akin ng life. Walang tubig, walang internet. Mabuti pang mamatay na ako!!!!! OA level, I know. I had to leave Alabang early because Boyfriend and I were watching the 2pm performance of Legally Blonde at the Meralco theater. Buti na lang I did kasi traffic from Alabang to Sucat was so bad, naubos ko yung Big Mac and fries ko even before reaching Sucat (burger in one hand, steering wheel on the other). I parked my car at Metrowalk Ortigas where Boyfriend picked me up. The play was siguro 10 minutes late. Not so bad in Pinoy standard, I think. May mga celebrities sa audience like KC, Rowell Santiago and Misterhubs (hihihi). Nikki was good. I’ve always liked how she sings and I think she did well naman. Akala ko Michael V was playing Emmett. Si Nyoy pala. LOL! After the play, we had a massage at our favorite little spa in Quezon Ave. Pinamasahe ko lang likod ko. It lasted for an hour and a half and it felt gooooooooood. It was a mix of pain and pleasure. I wish I fell asleep though. Then we went to West Capitol drive for a friend’s birthday dinner chorva at Café Juanita. The food was kakaiba yet masarap. If this place was in the south, I would definitely come back. But I live in provincially far Alabang so, wala, ho-hum. I met chick lit queen TFS - who happens to be a high schoolmate and a sister of a batchmate - who birthday boy met when he was still working in Singapore. Small world!

Boyfriend had to leave early because he had a 16k run the next morning at The Fort. He dropped me off at Metrowalk and I drove myself to West Avenue for the Fabcasters party and thanks to Ovi Maps and GPS, I found the place. It was an option to either be crazy and drunk or be sane and quiet. I opted to behave. LOL. At nalaman ko na rin kung ano ang Soju. It’s think Korean drink that tastes like tequilla. Some were drinking it by shots, yung iba by the bottle. It was fun naman and it seems that almost everyone knew everyone. So yeah, OP ako. Ahaha. But I was hanging out with the nice guys so it was okay. Nakakatuwa ang mga eksena. May mga sociable, may mga pumoporma, may mga bumoborta, may mga nagtatago sa dilim, may diva levels, may umo-aura ng hada for the night, and the hosts of the party were drunk. I had about 4 shots of Soju pero wala pa naman akong tama but I was already super tired. That’s when I decided to go home na.



It was a peaceful drive home. Wala masyadong kotche sa kalye. I wondered about what the Southies were doing that time and thought about texting them pero dehins na. I was tired na. I almost fell asleep a couple of times when I reached SLEX. Thank God I got home safe. I got home around 2:30am.

And then my Mom called me on my phone around 8am. She was already on her way from Tagaytay Highlands heading to Alabang. She was to pick me up at 9am to go to Pasay to attend a family affair. A wake. Basta. Ganun. Haggard level ang waking up portion but I got through with it. And then I discovered that my internet's back. Gusto kong umiyak sa tuwa. LOL.



I was down and still sleepy when we got back to Alabang. But Mom treated me to Shakey’s in ATC so, YEHEY. Na-miss ko yung mojos. :)

Thursday, 15 July 2010

Wala Pa Ring Internet!

Putong ama. May kuryente nga kami, wala namang internet. I’m on Globe Tattoo right now and it’s another service I’m not endorsing (feeling may celebrity chorvalyn ek-ek powers and such and such). Tama ba yan? I feel like I’m in the 80’s. This is too -- here it is Nelicom -- proletariat for me. Choz! LOL. Alright, what I’m ranting about is that my Broadband ISP is partly owned by the same coño company who manages our village and yet wala pa rin kaming service until now while my Kuya, who’s a Sky Broadband subscriber and lives just a block away from us and complains that his ISP is bulok, has internet service na since this morning pa. Ayan tuloy, napanis na yung mystic pizza ko sa Café World. LOL. Oh please oh please oh please can anyone make taktak spices on my pizzas? Thanks ha. Ahaha.

Anyway, that recent typhoon left a big mess at our garahe and my Mom’s garden (and everywhere, I guess). Hakot dahon here, buhat fallen tree there. Tapos I think our neighbor is mad at us kasi yung ibang tegula tiles ng roof namin nag fly sa bubong nila tapos nag smash into hundreds of pieceseseseses and damaged some of their roof tiles. Eh, HELLER. As if naman sinasadya namin na mag fly-fly yung tegula namin, di ba? Pukeng ina kung true man yun. Kainez. Anyway, chismis lang naman yun ng kusinera namin. Eh I don’t trust her kasi may history ng kasinuwalingan yung bruhang yun. So until we receive a letter of demand from our neighbor, hindi totoo ang chorva niya. Hmph!

Well, apparently super bongga ang typhoon nung Tuesday night na yan dahil while driving along Madrigal nakita ko 3 poste ng kuryente ang bumagsak. As in nabale, natumba at nakasabit lang sila sa mga kable. Parang nakasabit sa web ni Spiderman. Scary di ba? Tapos yung kalye super daming kalat tapos naka baba pa yung windows ng kotche ko, na-amoy ko yung grass parang na-high tuloy ako. As in for 10 seconds feeling ko straight ako, kinikindatan ko yung mga lady joggers. Ack!! I wish I could post pictures of the mess but with my connection right now baka umabot ako ng 48 years sa kaa-upload lang ng pictures, mauuna pang maging dinosaur yung turtle ko.

Ay! Nakakatawa ang eksena sa gym. So I went nung Wednesday afternoon. Konti lang ang tao kahit na walang pasok. Pero ‘day! Windang ka sa eksenang rampahan ang kaganapan sa locker room. Kasama ba ng typhoon ang egg hunting? LOL. Noong pumasok ako may 2 guys na labas pasok sa sauna naka shorts. Nung natapos naman ako sa workout an hour and a half later, the same 2 guys rumarampa pa rin at iba na ang shorts na suot nila. Costume change na ba ang labanan? After I took a shower, hard core rampa talaga dahil this time naka towel na lang sila. In fairness, pogi si Rampa Boy number 1. Si Rampa Boy number 2 naman, siguro dalawang body scrub pa, pogi na siya. Sa bilang ko, 5 ang pumasok sa sauna na bago. Paano kaya sila nag kasya doon? Nagkandungan? LOL! Sa gym floor naman may isang cutie na kalbo na parang hinuhubaran ako sa tingin. Naka T-shirt and shorts ako pero feeling ko natira na lang sa akin bra at panty. ECHOZ. I think there’s a major boy toy drought. May isa namang Thunder Cat na parang may cue cards ng question and answer portion.

“Effective ba ang exercise na yan?”

“I need to buff up my legs. What exercise do I need to do?”

“Cute yang shirt mo. Where did you buy that?”

Pwede ba. Pumatok na yang style mo before EDSA 1. LOL! Anyway, I had a lousy workout because I was too tired to move! And the embarassing part was nakatulog ako sa abs machine siguro mga 5 minutes. AGAIN. Putang ina talaga. Nakakahiya!!

Last week, I saw the trailer this Pinoy horror movie called Cinco and it looked nice. Basta five movies siya sa isang movie (Trilogy x 1.67 = something). Kaya nga siya Cinco, HELLER. Kanina Boyfriend and I watched it. Cute yung 3 boys sa first story. And they were in their underwear pa. LOL. I liked Jodi Sta. Maria’s acting. She’s good in dramas. Mariel R. is in one of the stories and her ACTING was SCARY. Siya lang ba sa ABS CBN ang hindi pa dumadaan sa acting workshop? LOL! Pokwang was hilarious, as usual. Boyfriend liked how the movie connected the ending to the beginning. Basta, ganun.

Hay naku. I don’t have kwento. Everyone has been too serious since the week started. Wala akong pwedeng pagtawanan. LOL. Tapos dumating pa ang bagyo so, di ba, sungit level tsunami, right? HENIWAY, I’m watching Legally Blonde this Saturday. Basta afternoon yun. Tapos tambay at the nearest mall. Tapos attend a friend’s dinner chorva at this new place is Kapitolyo. Tapos go to another party in West Ave. Hay basta, I’m excited for the weekend. I’ll be away from Alabang. Ang daming happenings!

Wednesday, 14 July 2010

Storm Muni-Muni

As the rain and wind crash against my windows, I couldn't help but wake up and watch the silhouette of bamboo branches and leaves dance in the middle of my window frame. The expecting storm is definitely here. We don’t have electricity right now. The house is being powered by a generator. And I suppose nobody’s going to work later.

Ang galing ng timing ng dating ng dalawa bisita namin – a nephew and a niece from Las Vegas. They arrived yesterday morning. I will have a floormate in the next 3 weeks. I wonder how they’re doing right now with this storm. I can see light coming from under Nephew’s bedroom door, the guest room infront of my bedroom. He’s either awake or fell asleep with the lights on. Niece on the other hand is using the bigger guest room. If she’s awake right now, she might be cursing on her first trip to the Philippines.

So hayun. Super gising ako ngayon. 1 hour na. Medyo afraid na rin sa lakas ng hangin. Dahil baka matangay ang kotche ko na naka-park lang sa kalye. CHOZ! Anyway, dahil sa brownout, baka ang ending ng pamilya namin mamaya ay tambay sa libreng aircon ng ATC, kung bukas man ang malls.

I'm hungry. I want to go to McDo pero cannot be! What to do, what to do.

Monday, 12 July 2010

Hangover

I wanted to blog last night pero super pagod na ako. It was a fun weekend. Not really the best weekend of my life pero it was still super fun. Nung friday night di ako lumabas dahil sa pagod at puyat nga ako. Woke up too early for a cancelled 6am Sea Air flight na magandang ikwento with taray factor. So sabado sinabi ko sa sarili ko, "Iinom ka tonight, bakla, iinom ka tonight!!"

Boyfriend decided to stay in the room dahil 10pm pa lang inaantok na. Hmph. Anyway, 11:30pm walk kiti-kiti walk kaming 3 girls heading to station 3. Sumilip kami sa Summer Place at puro afam at pokpok. Went further to Juice. Nice music kaya we decided to stay there na muna. But after one drink we got bored dahil kami lang yata ang bakla! And there was a group of oldies na nag-swing sa house music. Pwede ba. Sabi ni Nel masaya daw yung mga bars sa Station 1. Kamusta naman. Nasa station 3 kaya kami. Pero walk pa rin kami. Ahaha. Pagdating sa Station 2, may namukhaan kami pasalubong. Si Henrietta! At nag assume kami na kung saan papunta si Henrietta, that's where the party is. So stalker mode kami, right? Kadilakad nanaman at ang ending nakabalik kami ng Station 3. Biglang nag about face si Henrietta at nag muni-muni mode. Kami naman nagtaka na, "ha? Ano yun? Emote?" And then I realized na he wasn't looking for a party. Rumarampa na pala ang lola ko! Awaaaaaaaard!! Hay naku waste of lakad time. Naghahanap lang pala ng hada ang chinitang vahklah. So balik ulit kami papuntang station 1. Sa dulo ng Station 2, may bar na nasa 2nd floor na mukhang fun naman from the outside so we checked it out. Pagpasok namin sa loob, di ko ma-identify kung sino ang waiter at sino ang client at sino ang hammer (pokpok). Masa levels!! Ano 'to, Heartbeat mega disco?! Ahaha ahaha. So teleport agad kami sa labas. I wanted to check out Hey Jude bar pero it moved na daw to a different location na medyo malayo. We ended up drinking at Guilly's that was packed with topless HOT white men partnered with hammers. Para siyang opening scene ng Naughty America. Ahaha. Anyway, madami ding PLU na umo-aura-aura at my direction. Naks. Ang haba ng hair kahit na kalbo. Well, at least alam kong may axe effect pa rin ako kahit na paano. Ahaha. Or mukha lang akong borta dahil naka sando ako. Anyway, good girl ako. Ang nakayanan lang nilang gawin sa akin ay small chikas ("hi where are you from?" "are you alone?" "What are you drinking?" chorva chorva chorva chorvaaaaaaaaa!) at makipagkiskisan ng braso. LOL! Hanuvayun. After 6 vodka tonics, dead na ang central processing unit ng utak ko. Iniwan ko na yung dalawa at fly ako back sa hotel. Hinarangan ako ng isang barkadang yuppies na girls at boys sa Tibras at binigyan ako ng isang shot ng drink. Lahat ng mga dumadaan actually. Di ko alam kung anong mix yun pero drink naman lola mo. At sorry sila semi-alcoholic ako at nag decide naman akong mag-stay. LOL! And I kept talking to this girl Claire. I think na-haggard siya sa akin kasi I kept on touching her hair. LOL! English to death naman ako sa bartender at akala niya I'm from Thailand. Sinakyan ko naman. LOL!

Anyway, boyfriend says I got home at 3am kasi nag-alarm phone niya when I entered the room (which I can not recall). I was suppose to take a shower first but I didn't have the energy na to even take off my sando. Kaya bagsak na lang ako sa kama. I woke up with my first hangover of the year. Hay. Fun fun fun. Alcohol makes me happy. LOL.

Here are some pics from my weekend. :)


We were lucky dahil kahit na umuulan sa Manila, it was still sunny in Boracay.


So many reflection shots at the beach.


Almost sunset.


What's with the dogs in Boracay? They're all friendly.


Low tide.


Afternoon siesta under the sun. Dito yata ako umitim. Major.


Muni-muni area.


Jonah's Water melon shake.


Nagtatanong ba siya o naninindak. Hindi ko gets.


D' Talipapa. Naubusan ng liempo!

Saturday, 10 July 2010

Follow-Up




Hay naku. My day was almost ruined because of SeaAir. As what I blogged earlier, our 6am flight got bumped to the 10:45am flight. I don't wanna get into details about what happened at the Domestic Airport kasi nakaka-haggard mag recall dahil ang lola mo ay kasalukuyang may senior citizen moment. Basta it involved some pagtataray from the 3 boys habang ako namomoblema kung saan makakakain at makakakuha ng 3G signal. LOL. HENIWAY HIGHWAY, we were tranferred to Cebu Pacific for the 9:20am flight and they (Sea Air) PAID FOR IT. Much much better than the 10:45am flight di ba tapos may possibility pang ma-delay dahil 2 eroplano na lang ang tumatakbo sa SeaAir dahil repair galore ang kanilang mga sasakyang himpapawid (ahaha ahaha ahaha... sheht pramiz yun ang sabi ng mga gelay sa counter ng SeaAir). So dahil CebuPac na kami, fly naman kami faster than a speeding bullet sa Terminal 3 via 90-peso taxi ride. First time kong makapasok sa terminal 3 kaya kahit na medyo nagmamadali na yung tatlo kong kasama, para lang naman akong naglalakad sa loob ng National Museum. Infairness, clapness to progress. At kumpara sa Domestic Airport, mas maraming guapo sa Terminal 3. LOL!



Good Bye Polluted Manila!

Either hindi kagandahan ang panahon or lasing yung piloto namin dahil para kaming sumakay sa Log Jam habang lumilipad kami. May moment talaga na parang magdi-dive yung eroplano, napakapit tuloy ako kay boyfriend. mas mabuti na yun kaysa tumili, right?

Pagdating sa Caticlan, may award winning malas nanaman ang dumating sa buhay namin. NAWAWALA ANG MGA BAGAHE NAMIN! Award di ba? Pukeng inang award yan. Anyway, cool lang naman ang mga ulo namin -- Dina, Azenith, Suzanne at Bambi -- dahil confident kaming magpapakita din ang mga baggages namin. We were picked up by our hotel's transport service. While in transit to the hotel, we were informed na dumating na yung mga bags namin so hooray, right? The hotel arranged to have our bags picked up at the airport.

We're staying at the Tides. I like this hotel. And I like their banyo. It's bongga. It's not so bongga, but bongga enough forme. I want my banyo to be remodelled tuloy. Chika. The sliding banyo doors suck though. I want a bath tub too! Kaya lang yung toilet amoy putok. Parang yung previous user yata nito European na may kili-kili power na nag-iiwan ng marka sa dingding at sahig and everything na hindi ko maintindihan. Basta, kakaiba. Amoy putok talaga.

When I got in our hotel room, I texted my Mom telling her na dumating na kami sa Boracay. Tapos bigla siyang tumawag asking me ba't ang tagal namin dumating. And then I explained to her how we got delayed and how we had to transfer planes tapos parang siya pa yung galit. And I was like HELLER, MI MUDRA, kami yung na-abala 'no kaya cool ka lang. Ahaha. My Mom talaga, nakakaloka.

We got our bags and settled. Had lunch too tapos kami ni boyfriend rumampa, este, nag swim na. At sa loob ng 15 minutes, negro na ako. I will consider this as my only beach weekend so far this year dahil ayokong i-consider yung beach weekend namin ni boyfriend sa San Juan Batangas dahil chaka to death yung napuntahan namin part ng beach. Tapos puta ninakawan pa ako ng Havaianas. Hay naku. Malas talaga sa akin ang beach na brown ang sand. Ahahaha. Choosy? Tama ba yun?







Tomorrow I shall enjoy my Saturday. It will be a good day. Tama yan, Felipe. Think positive.

Friday, 9 July 2010

Angry Akesh

Punyeta alert level bongang-bonga. I can't believe this. Super excited pa naman ako. Damn you SeaAir. We were suppose to be riding the 6AM flight to Caticlan. Nandito na ang mga beuaties namin 4:15am. Mega wonder woman naman kami kung bakit walang pila sa terminal at wala namang pumapansin sa amin. By 5am worried lolas na kami dahil sarado pa rin ang check-in counter for the 6am flight. I mean, oh my gulay, right? Anyway, eksena ang mga lola ko dahil fail sila sa anger management kaya may mga bruhang pa-tweetums na naka braces na mukhang pinagawa sa dentistang tabi-tabi from SeaAir ang lumabas at nag-sabi na noong June 29 pang na-announce daw na cancelled na yung 6am flight and we were bumped to the 10:45am flight. Eric says he checked the seaAir website 3 days ago at nakalagay fully booked ang 6am flight so logically, tuluy na tuloy na ito tapos biglang magdi-disappear ang 6am flight? Heller naman di ba?? Eh putang ina there's an 8:20am flight pala hindi pa kami napapunta doon. Tinapon pa kami sa flight na more than 4 hours later. It's 6:15 right now. 7Am pa daw pwedeng ma-confirm kung pwede kaming makalipat ng 8:20am flight. So wait kiti-kiti wait na lang kami dito. Ni walang guapo dito. Fully booked na ang estair so this is our only way. Wrong, SeaAir. Very wrong!

I just found this out. Our 2pm flight going home on Sunday was moved to 4PM DUE TO UNAVAILIBILITY OF AIRCRAFT. Can you believe that?? Pinapa-book nila ang mga tao sa mga imaginary airplanes? This is so not good for SeaAir talaga. Akala ko palpak ang Zest. May mas palpak pa pala sa kanila nang bongang-bongang-bongang-bongang-bonga.

O update ulit. Sa 8:20am flight na kami.

Wednesday, 7 July 2010

OA Lang, My Coffee Table

Wikipedia defines a coffee table as a long, low table which is designed to be placed in front of a sofa, to support beverages (hence the name), magazines, feet (don't look at me! Copy and paste lang 'to!), books (especially coffee table books), and other small items to be used while sitting, such as coasters.



Heto ang bumulaga sa akin sa kwarto ko when I got home. Wala akong pakialam if I’m the only one who feels this way but I LOVE MY NEW COFFEE TABLE! I’m not so sure if this particular piece is from Cebu but this was custom made. I requested for this months ago. Matagal din magpagawa. Akala ko nga di na makakarating. My Mom’s coffee table looks nicer, though.



And mine matches my TV table. Yay!

Pagdadalaga

When I was in high school, I wasn't aware very much about sexuality. Sure I was attracted to both boys and girls. Once upon a time naman nagka-gusto din ako sa babae. Pero it was something like girl-love-ko-ang-hair-mo-gawin-nating-french-twist kind of thing. I was attracted to guys but there was no libog involved. Yung tipong gusto ko lang silang makasama at kapag makasama ko naman sila for homework or tambay sa football field may nararamdaman akong something-something na hindi ko ma-explain na naco-confuse tuloy ako kung gusto kong mangitlog o reglahin. Hindi naman ako nakakanood o nakakakita ng porn dati kaya wala naman talagang malisya. It was a simple yet inexplicable attraction, at least during that time. Siguro nga bata pa I was already gay. Hindi lang nadevelop agad because I was too sheltered from the world outside our village.

Noong college naman ako, nagkaroon nanaman ako ng crush sa isang babae pero this time it was something romantic. Nandidiri ako sa sarili ko just by recalling this. Para bang ang dumi-dumi kong tao pero yeah, I had those feelings. Ewww. Napansin ko lang, attracted ako sa mga babaeng may strong personality. Yung mga matatapang at matataray. At lalong-lalo na yung mga hindi maaarte. Siguro subconsciously nagkakagusto ako sa babaeng parang lalake, pero hindi naman sa mga butch na T-bird. Hindi naman ganung level at baka bumuka ang lupa. Afraid! Anyway, nag-evaporate din feelings ko sa kanya after 3 sems kase parang na foresee ko na rin na ang ending namin ay magkukulutan lang kami. At ayan nanaman ang mga lalake at ang nararamdaman ko para sa kanila na hindi ko maintindihan. Windang levels 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10! So many boys so little courage. Ayun. So many boys lang. At ayan din ang kaklase kong si Steve. He was straight as an arrow and as Chinese as a drug smuggler from Hong Kong. He wasn't hot. He was just, you know, mukhang lalake at amoy lalake. And did I mention that he was Chinese? I have a thing for authentic chinito boys. Like what I told my friend KD some years ago, "love your own kind." Anyway, college ended nang hindi ko man lang nadilaan ang kili-kili ni Steve. LOL! Oh well, his loss. Charing!

I discovered the internet as a medium for meeting boys. Teka, di ko na alam ang point ng sinusulat ko. I'll make kwento about something else. Yuh, bitin pero sorry, I forgot na what I was writing about. Next time na lang. Anyway, the coffee table for my room should be arriving soon. Maybe this week or next week. I dunno. That's what my Mom says. I don't wanna be too excited about it. I want a table para when friends are here visiting, we have a table to put the pizza on while playing Wii or watching a DVD movie. Haha. Labo. Sige work muna ako 'te.

Sunday, 4 July 2010

Beckies Weekend: Garrage Sale and San Pablo

While some of you are either partying or playing bongkang in bed with strangers, I was having a fun weekend in terms of pagodness and wholesomeness. Sounds malabo but here's the kwento.



Yesterday I was in Bel-Air Makati with friends because we were selling some of our old stuff in this garrage sale hosted by one of them who lives there. I had to wake up early kasi 7am pa lang daw may taong bumibili na. It was fun making money out of old things that I don’t use anymore. Sabi nga ni boyfriend, we didn’t really make money because we bought those things at a much much higher price. Pero it’s like selling a car. Ok lang na you sell it at a lower price dahil 2nd hand na at napakinabangan mo naman for a time. Although Medyo affected lang ako sa Kenneth Cole Reaction shoes that I was selling for only 150 pesos na nga lang tapos tinatawaran pa ng 80 pesos. I mean, heller? Dapat nga 300 pesos man lang kaso I wanna get rid of it na kasi I don’t use it. That was already super mura na nga and that pair didn’t even have any defect HU-WHAT SO HU-WHEVUR. Anyway, I was still nice kahit na ininsulto niya yung price ko.

“Badong ha, hindi yan Spartan.”

Bumigay din si badong kasi he still bought it for 150 pesos. Bb. Muntinlupa wins. Yehey. So, good-bye nice shoes. At nakakatuwa naman yung mga workers sa Bel-Air kasi kung mag-bayad sila barya or exact change. Sa ibang villages yung bumibili ang ibabayad sa iyo 1,000 pesos pero yung bibilhin lang 50 pesos. Ang windang level ay number 100 lang naman, di ba? Ay heniway, it was fun. Pero nakakapagod. After that, boyfriend and I went to Megamall para magpataas ng cholesterol level. So many food, so little waistline.

ECHOZ!!!!!!!

Pucha. Hindi na talaga ako magiging balingkinitan. Di na ako magiging size 27. Hangang size 28 na lang.

Double ECHOZ!!!!

Kanina naman I woke up early again kasi San Pablo field trip kami ni boyfriend with 2 other friends -- Jamiqua and Angenique -- and we targetted to visit the famous 7 lakes. We got around using my Nokia Ovi map (ahem, ahem). It was kinda palpak kasi pagdating ng San Pablo wala na sa map yung mga small streets kaya we ended up getting lost a bit. But we got around just fine, kailangan lang naman mag-tanong.

"Mama, pwede po bang magtanong?"

"O Sige."

"Thank you."

The first lake that we visited was Bunot lake. Sa lahat ng mga pinuntahan naming lawa today, this was the easiest to reach. We were able to park the car just beside the lake (thanks sa poging kuya who owned the land, mahal na namin siya), and there were no inclined steps that we needed to use before reaching it. In fairness sa place, kahit na isang katutak ang aso at pusa sa paligid, it was still neat and clean. Wala akong natapakang ebak. LOL.



Next stop was Kalibato lake na short lang ang walking pero heart attack level ang trail. Steep na bongang-bonga.



We were led by this kid. Pwede namang sabihin niyang “you just make sunod this trail tapos you’ll reach the lawa na” pero I guess this is part of the service para may konting tip siya kahit na paano. Binigyan naman siya ni Angenique. After the 10-minute trail, nakita namin ang lawa...



...at si Kuya, na lahat kaming apat na beckilita napatingin dahil meron siyang something-something.



Sorry, wala akong pic na nakaharap siya dahil may natitira pa naman akong hiya sa katawan ko. Pramiz, that’s true.

We got lost looking for Pandin Lake kasi wala nga sa Nokia Map tapos it didn’t say naman na we have to park the car tapos take the 15-minute dirt path walk like in the movies. But anyway, that’s what we did.



Wala naman akong nakitang ebak ng horsie pero kung si Totoy Mola ang makasalubong ko dito haharangin ko siya tulad ng pagharang ko sa mga papable menchus sa Club Bath.

Ah-ha-hay!



When you reach the lake, you will see bamboo rafts that a group can use for 150 - 180 pesos per head to stay at the middle of the lake to swim or have lunch. You can also use this to get to the other side of the lake.



Medyo nahiya ang beauties namin kasi apat kaming lalake (Chika!) tapos yung mga nagro-row apat na babae, plus one guy who was acting like a marshal or something. Para kaming apat na diyosang pinagsisilbihan ng apat na diwata at isang body guard. Cleopatra levels, di ba?





They were nice people, ha. Tapos hey keep the lake clean just by among themselves. I mean, they don’t ask help from Politicians kasi daw they'd ask for favors in return naman like getting their votes or abusing the lake. There were only a handful of people who live right beside the lake kasi they want to keep it clean. So you see, may napupuntahan talaga yung 180 pesos na bayad mo and that’s for maintaining the place.



Plus the fresh buko juice. Ehehe.

Visiting Pandin Lake is like making out with 2 men with one super powerful kembot because at the other side of the lake, Yambo Lake naman is 20 tamblings away. Magkatabi lang sila kaya they’re called the twin lakes. So bongga, right?



I didn’t take a lot of pictures because I couldn’t get a better view. I could if I decided to go down the path which was really steep. So afraid naman ako na mahulog at baka mapatili naman ako. Death to straight-acting points, di ba?









We had lunch at Sampaloc Lake which we decided to be our last lake na because everyone was already too tired. 5 out of 7 lakes, not bad naman. Next time na lang daw yung 2. Compared to the other lakes, this one was dirty probably because of the establishments around it. And it seems it’s true nga na an increase in population destroys our environment. The people’s undisciplined behaviour makes it worse. Anyway, lunch sucked. But coffee fix was heaven sent with my Starbucks gift certificates (Thanks Francis!). I’m just glad that the trip is over now. I did enjoy it pero 2 days na magkasunod na puyat isn’t just for me. Too haggard. It was a fun weekend though.

Friday, 2 July 2010

T for Tired

I'm so tired, I can't seem to use the calculator properly. I decided not to do my afternoon rounds anymore. This is gonna cost me a load on Monday. Ay bahala na. I can now only do brainless activities like sleeping, staring at the ceiling cracks or blogging. Echoz sa blogging! LOL! I have been sleeping late for the passed 2 weeks. No, it's not the insomnia. It's work related stuff. Because I'm going out of town next weekend, I need to keep my records updated in bongang-bongang speed. So far I believe the records are correct. I still haven't received any complaints from my accountant yet. Bruhang yan, inaaway ako. LOL. Last night I slept late naman sorting out some old clothes kasi some friends and I are having a garrage sale tomorrow in Makati. I don't have a lot of things to sell. But I'm looking forward to leaving Alabang earlier than usual. Ahaha.

Heniway highway, so we got a new President. Hooooray, right? I know the Philippines is a hopeless case. The people in the government will always be corrupt. The Filipinos will always be unreliable, lazy and undisciplined. The police will forever be spawns of the devil. And the rest of the politicians and local governments will forever be magnanakaw. Except for Batanes, perhaps. Kaya I want to retire there. P-Noy maybe the better choice and it's good that he won (though I voted for a more experienced and educated candidate). But the attitude of the masa still hasn't changed. Keep in mind that the Ateneo drop out actor placed in close 2nd. This is the same womanizing drunkard who was President of a lousy government more than 10 years ago and was impeached by a 2nd People Power and yet a sticky peanut butter chunk of people voted for him. I don't understand na how we can improve the Pinoys' intellect. Would it be giving them the highest quality of education or totally wiping out the kayumangi race and replace it with Koreans and Iranians. Para naman ang Pinoy maging disiplinado at progressive tulad ng sa Korea and kasing guapo and HOT ng mga Iranian sa Taft. Hahaha. Pink brain, sorry na lang. LOL. Binay is a questionable character as well. Ok so we all know that he's corrupt, big time. Balita ko when he and his wife separated, lawyers were talking about division of billions. Pucha Mayor lang siya saan nangaling ang pera niya, di ba? Makati people harap-harapan kayong ninanakawan. He claims to be an activitist during martial law and EDSA 1. Pero his running mate was Erap, a close friend of the Marcoses. Heller level 100, right? Ay, ayan pa. Sinipa ng mamayang Pilipino ang pamilyang yan tungong Hawaii because of numerous crimes against the country. Actually papatayin sana sila ng mga nag-revolt but they were rescued by Reagan. Pero now they're here, still enjoying their ill-gotten wealth and this month 3 Marcoses are back in power (And it's not just them. Kasama na yung cronies nila including Cojuanco and Enrile), and one is a Senator. And Binay is swearing them to office I heard. Oh, c'mon! Heller, di ba? What have the Filipinos done? Sa ngayon what I can see is that Binay is going to be P-Noy's sakit ng ulo, aside from the Filipinos na rin na walang ginawa kundi magreklamo nang magreklamo. Sabi nga ng Daddy ko, the Philippines is how it is because of us. Or something like that. Shucks, panis. I'm so tired na talaga. Aside from the billions of pesos he can make nakaw, I don't understand why anyone would want to be the President of the Philippines. Sana sinakop na lang tayo ng Amerikano. We could have been like Guam. And Noynoy should watch his back, literally. 2nd in power is Evil Negro and it's not impossible na ipapatay siya so he can become President because he's power hungry. He claims to be the Obama of the Philippines. What the heck is that about? Well, Obama is failing America, so yeah, I guess tama siya. And I think Roxas should stop protesting. Tapos na eh! Talo ka na. Nakakahiya ka na. I voted for you pa naman. Ehehehe.

On to more important issues, my beel-beel is back again. Hindi naman siya totally nawala in the first place. And Boracay is just a week away. Waaaaah!!!!