Followers

Saturday, 12 March 2016

Viber, 11:59pm



“Good night, Babe. I love you,” sabi mo.

Kinilig naman ako. Kahit na alam kong lasing ka.  Kahit na baka binobola mo lang ako.  Kahit na baka gusto mo lang ako maging masaya.  Kahit na may boyfriend ka at may boyfriend na din ako.  Kahit na pareho tayong hindi masaya sa kanila. 

Buti ka pa, gusto mo ako maging masaya.