Followers

Sunday, August 15, 2010

Seminar on a Sunday Again

I went to the Powerplant Mall yesterday afternoon rather late kasi nag siesta pa ako sandali. Buong saturday morning ako actually na nasa kama pilit na natutulog kasi 2 gabi na akong inatake ng insomnia. Alam mo yung 4 na oras akong gumugulong-gulong sa kama pero hindi pa rin ako nakatulog hangang sa magintercom na ang nanay ko at sinigawan ako na "gumising ka naaaaaa! tanghali naaaaaa! Gutom na yung kuting mo!"

Ay sheht. di ko pa pinapakain yung ampon ko.



Heniway. So nagkita naman kami ni boyfriend nung mid afternoon. Tapos kumain kami sa KFC ng Aroz Caldo. Natry niyo na ba ang Aroz Caldo doon? Lasang... KFC. Charap.

Tapos na-meet namin si Christina at Jing sa Fully Booked. Mega major renovation ngayon ang Fully Booked kaya sa ngayon kalahati lang ng pwesto nila ang bukas.





We had coffee at Seattle's Best. I don't want to be a traitor to my generation but I think SBC's coffee is way better than Starbucks. Pero I only had tea. Tapos nakakita kami ng hunky na artista na yummy na mukhang straight na nakalimutan ko na ang pangalan.



Tapos dinner at C2. Chris and Jing haven't tried eatting there. And the Crispy Kare-Kare is something I recommend to anyone na mahilig lumamon.



And it's best to have it with plain rice to taste the real flavor of the sauce. Sarap.



Before heading home, coffee naman muna kami sa UCC. We shared on my favorite Chocolate Xanadu.



Di ko na siya nakunan nang buo kasi nilamon namin agad. Ehehe.



Maaga ako nakauwi ng bahay kaya maaga din ako napahiga sa kama.

*****

I tried to convince myself that today will be a good day. Humarap ako sa salamin at sinabi sa nakikita kong "puta ka ang ganda-ganda mo! Sheht ka!" Pero wala.

Hu-WALA!



Haggard pa din. Mangyari, may early seminar kami today at 8am na tumagal nang buong araw. nung isang gabi inatake ako ng insomnia. Kagabi, maaga nga ako nakauwi from Saturday night out. Eh punyeta naman itong kapit bahay namin na buong gabing nagballroom dancing party. Nagchacha in the tune of "Empire State of Mind" at "Sex Bomb." Ewan ko na kung anong oras tumigil ang mga dancing coño lola pero ang utak ko hindi tumigil sa kahihintay ng tulog. Hangang sa unti-unti na lang lumiwanag ang kwarto. Sheht, umaga na.

Pinabangon ako ng konsyensya.

"Tik-ti-la-ok bakla. Bangon na!"

Weekend madness pala ngayon. Pagbukas ko ng radyo, si Tom Jones ang kumakanta.

"Sex bomb sex bomb... You're my sex bomb... Something something something something something sex bomb..."

O, hinde.

7 comments:

  1. can i just say nakalagay na sa to-do list ko ang kumain ng crispy karekare sa c2? gosh. and the photos made me crave for arroz caldo. eep.

    ReplyDelete
  2. nainggit ako. as in. bukas lalabas din ako.

    crispy kare-kare. ang gandang kumbinasyon ng salita.

    ReplyDelete
  3. SARAP!!!!!!!!!!!! kakagisng ko lang naku nagutom ako bigla

    OC ka pla napakaorganize mo

    ReplyDelete
  4. You are super right about the crispy kare-kare.

    i am trying to replicate the recipe.

    ReplyDelete
  5. Bakit ganun, kain ka ng kain pero sexy ka pa rin. Hindi talaga fair ang mundo. Huhuhu.

    ReplyDelete
  6. felips, super babaw ko today kaya natawa ako sa tom jones part. hahahaha. i want to try that Crispy Kare Kare. soooper fave ko ang Kare-Kare. :D

    ReplyDelete
  7. hahaha!kawawa ka naman felipe!

    namiss ko ang kalokohan mo dito sa blog mo!napatawa mo na naman ang mababaw kong pagkatao!LOL

    ReplyDelete