Followers

Friday, November 26, 2010

DSL vs DSL

Medyo napikon na ako dito sa Globe Broadband connection ko dahil lately either ang bagal niya or walang connection talaga. It started last tuesday, my connection started to slow down.

ASS INNNNN.

Wednesday nakikita ko minsan walang ilaw yung internet led sa modem ko. Tapos yesterday, hayunah. Bumongga na si modem. Bumonggang-jabongga. Walang kislap, walang kurap, walang internet. Salamat sa maluhong Diyosa, meron pa akong Globe Tattoo and I used that to visit the PLDT website. Nakita kong meron ding DSL plan 999 for 1mbps and right there and then and when and chicken, nag-apply ako online.



"Bahala na," sabi ko sa sarili kong ubod ng kagandahan. CHAR!

"Go lang. Go for gold," sinagot ko naman sa sarili ko na ubod ng alindog. Tutal naman naka-one year na ang subscription ko sa Globe Broadband, I can have my account terminated na.

Ang gusto ko kasi mangyari is get a new pldt line for the DSL na under my name. PERO yung internet lang ang kukunin ko, I don't need the voice/phone service. Ang pagkaka-intindi ko kasi sa website nila ganun yung 999 pesos plan nila ng 1mbps kasi hindi naman siya bundled sa phone line, unlimited DSL, free modem and installation fee, just like Globe Broadband's plan 995 na 1mbps din. Well, yun ang akala ko.

I filled-up the online form, clicked on the submit button and then SWOOOOOSH! Nag send na siya. Then yesterday, I received this e-mail.



Sabi ko sa sarili ko "wait, wait, wait!," sabay tapat ng both hands sa screen. "May additional charge pa for the phone line kahit na internet only ang kinukuha ko?" Kaya instead na 999 lang ang babayarin ko, it's actually going to be 1,699 pesosesosesoses?

So reply naman ako kay mamang Customer Care na bibong-bibong sumasagot sa email ko. Ini-clarify ko lang kung tama ang intindi ko kasi internet lang ang kinukuha ko. Posible naman kasi yun because right now ang DSL ko walang bundled na phone (kasi lousy naman yung landline ng Globelines). I'm only paying for the internet service of 995, nothing more. Pero DSL pa rin ito so meron talagang telephone line physically. And today, I received this reply.



Yes, nagkamali siya. Diwata ako hindi Reyna. Ayyyyyyy....!

Alam kong tanga ako. Pero ngayon ko lang na-confiiiiirm na napakaubod kong TUH-NGUH. Feeling ko hindi niya na gets yung point ko pero ok lang dahil na-gets ko din naman yung point niya. AHAHA AHAHA AHAHA. Sa ibang salita, sa PLDT walang Internet Only plans.

At kung meron man, pwede bang paki-turo sa akin ang link?

HENIWEY... ganito yan. If you're in Alabang and looking for a DSL service WITHOUT the landline service (whew!), you can only get it from Globe Broadband (1mbps pa). With PLDT, you HAVE TO get the landline as well kung target mo yung 1mbps na speed.

Tama ba ang intindi ko?

Mag-aapply din sana ako ng cable internet pero same dilemma! Kailangan kunin ko din yung cable tv service din. Nakakalowkah! LOL!

Ang ending, dahil sa nangunguripot lang din naman ako, sa Globe Broadband pa rin ako. Ehehe ehehe.

4 comments:

  1. Tama ka diwata ka lang dahil ako ang REYNA!


    Mine is Globe DSL and i'm paying 999/month for the 'up tp 1mbps' DSL service (no landline).


    so far ok naman ag speed at connection. siguro kasi sa makati aketch nakatira.


    well, my point is....


    lumipat ka na lang ng makati para pwedeng dsl lang ang kunin mo at walang phone service.


    mabilis pa.


    hahaha!

    ReplyDelete
  2. Chinverse - yep. Yan din ang Globe DSL plan ko sa ngayon. internet only. Walang landline. :) Happy ako sa speed kaso humangin lang nang medyo malakas, ayun, good bye connection. :(

    ReplyDelete
  3. nadali din kami diyan eh. haha now we have a landline which no one uses since lahat kami naka postpaid din. haha

    ReplyDelete
  4. dapat ilagay na lang sa saranggola yung globe para nakakasabay sa hangin. CORN!
    ayos lang globe enerneting dito sa amin. marikina area. hehe.

    ReplyDelete