Followers

Saturday, November 20, 2010

Lamon Malas Night

Boyfriend was too busy to meet up with me in Alabang kaya ako na lang ang pumunta sa Bonifacio High Street. It was a long wait in Seattle's Best Coffee pero ok lang. I was busy with my own paper work anyway. Actually, hindi ko pa nga natapos hangang ngayon so KAMUSTA NAMAN YUN DI BA. Fast forward. So dahil nasa vongang Boni High Street naman kami, we decided to have a nice dinner. And by me saying "nice," that means pahinga muna kami sa date-date sa fast food at makatikin naman kami ng kainang pampabutas ng bulsa. Sabi ni Hani sa Sentro kami kakain sa Serendra.

Nagulat naman ako, "ha? May Sentro sa Serendra?"

Akala ko kakain kami sa inuman joint. Yun pala CENTRAL yung nasa utak ko. Sorry naman, biglang naging tamod ang utak ko.



Ewan ko lang ha pero feeling ko minamalas kami last night in the lamon department. Una, dinner was bad. NOT super bad tho. Pero hindi ako nasarapan. We ordered this adobo dish na dry na nga yung meat, bongga levels pa ang asim. The adobong kang kong was forgettable, mas masarap pa yung sa Kanin Club Sta. Rosa. I liked the ginataang Tilapia dish. Matinik lang, kahit na fillet na siya. Boyfriend and I both liked the kesong puti appetizer thingee. It's this ball of fried (I think) kesong puti that you can dip on either of the 2 sauces that comes with it. I think one is sweet and sour and the other is sour cream. Basta I l iked the white dip. Siguro namahalan ako dahil i didn't enjoy the food. I would have a different opinion if the food tasted great. Sabi nga ni Mudra, quality comes with a price.



Next we had coffee at this new European bread shop na halos tapat ng Mary Grace. Trying out new places kumbaga. Pero shet na malagket, sana nag Mary Grace na nga lang talaga kami. The place has coffee nga pero yung instant coffee lang. like those Coffee Pod things you see in sushal-sushalang offices. Basta i-google mo na lang, hindi kaya ng powers ko mag explain. So meaning, hindi siya refillable. Tapos he had a so-called chocolate moist cake which wasn't moist at all. Eh pucha 120 plus pesosesoses pa ang isang slice. Mas masarap pa ang Brownies sa Red Ribbon.

TAMAAAAAAAAA!!!! Masarap ang brownies sa Red Ribbon kaysa mga CHEESE CAKE-CHEESE CAKE na yan sa tabi-tabi. Baka madumi, magkasakit ka pa at mamatay. MAMATAAAAAY!! Ang hirap pa naman magpalibing ngayon! Naku salot. SALOTTTTTT!!!! Kaya wag kang bibili ng mga CHEESE CAKE-CHEESE CAKE na yan ha??? Naku mahirap na. MAHIRAP NAAAAAAAAAA! Punyeta makinig ka!!!! Hindi masarap ang cheese cake na yaaaaaaaaaan!!!!!!!

* Huff

* Huff

* Huff

Naku, na-high blood ako bigla. Ewan ko kung bakit. Ano Hani, may comment ka? Ha??

O sige.

* inhaaaale….. exhaaaaaale…

* smile

Ayaw ko mag smile.

Ayan. May Sumpong na ako. Ayoko nang mag kwento. Hmph. Ha-rumph!! HUMPHPHPHPHPHPHPH!!

3 comments:

  1. Hahaha! O ang puso. Hinga uliit ng malalim at pamasahe ng shoulders kay hani. I hope your weekend gets better.

    ReplyDelete
  2. Ang mga ganyan, hindi na dapat binabalikan.

    ReplyDelete
  3. ay haggard naman! noted na ang mga fudang places na yan tita. :)

    ReplyDelete