Followers

Monday, August 30, 2010

Heller! Vuhay Fa Akez

Ber months na! I can't believe it. Ang bilis ng panahon. Parang nabuntis ka nang hindi mo man lang ninamnam ang kantutan. Oo, sinabi ko kantutan. Baket, BAWAL? Blog ko 'to. Kantutan kantutan kantutan kantutan kantutan! Tapos dadaan ang Araw ng Patay. Tapos Araw ng mga Santo. Tapos anniv namin ni Hani (hihihihi). Tapos Christmas. Tapos Bagong Taon. Tapos Balentayms. Tapos Birthday ko. Tapos babawasan ko nanaman ng isang taon ang edad ko sa facebook profile (ahaha ahaha). Hay shyet. Saan na nga ba napunta ang mga araw ko?

I haven't really been writing lately. Madalas kasi pagod na ako. I don't even have the time to read other blogs kaya medyo nananahimik ako. Pero buhay pa ako. Haggard nga lang.

Nasa hospital pa din tatay ko. Gumagaling naman daw. Pero nase-stress ako kapag nandoon ako. Nakakahimatay talaga ang sight ng catether na yan. Hayz!!



At nakuha ko na nga pala kotche nung sabado. Actually, yung driver ko ang kumuha. Kanina ko siya na drive muli after one week of absence. Noong pinasok ko siya sa Honda Alabang, 3/4 full ang tangke. Pagkatapos ayusin ang mga gasgas sa likod at mag change oil service, binalik sa akin empty na ang tangke. As in may warning light na. Anong nanyari sa gas ko, sininghot nang bongang bonga (in english, inhaled major-major)? Hu-wow pare hardcore. Kaya next time, 'wag magpapa-gas kung ipapasok sa casa ang kotche. Ok Felipe? Hoy Bakla makinig ka!

I really don't have anything to talk about. Wala akong ma-chika. I just have this need to write. Alam mo yun, pampa-kalma ng sistema bago matulog at baka mamaya ma-rico yan ako nang di oras. Haggard. Kasi baka kung anong litrato ko ang ilagay ni Mudra sa ibabaw ng kabaong ko. Baka yung high school grad pic ko pa eh mukha pa naman akong Afro Ninja doon. RAWR!

Here is a pic I took kanina with my Sony Ericsson habang nagmumuni-muni sa lounge area ng Asian Hospital.



La lang. Share ko lang.

9 comments:

  1. kalerki! perky pa rin kahit pagod. hehehe :)

    ReplyDelete
  2. Perky? Gawin ba akong joga? hu-well, keri lang. Kaysa ginawa mo akong pechay. mas prefer ko na ang joga. thank you judges.

    ReplyDelete
  3. yeah crap ang bilis tlaga ng araw, mag 29 na ako nyan bwahahha choz!
    hoping your dad recovers soon... :)


    wv: insultio LOL

    ReplyDelete
  4. Ma-Rico Yan?

    Ano ibig sabihin nun? Hahaha. Kakalurkey!

    ReplyDelete
  5. SUCKER pala yang mga taga Honda Alabang eh!

    ReplyDelete
  6. leche ang kulit! haaaay..nawala ang antok ko hahaha

    ReplyDelete
  7. "At nakuha ko na nga pala kotche nung sabado. Actually, yung driver ko ang kumuha."

    ikaw na may driver! kami na ang maralitang mamamayan! hahaha! get well soon kay erpats :)

    ReplyDelete
  8. wow milyonarya may driver!haha

    ang bilis nga ng araw di mo namamalayan mag papasko na naman!

    ReplyDelete
  9. ang saya talaga. sana sa kakabasa ko ng blog mo e mahawaan naman ako ng positivity mo. kahit konti lang.

    ReplyDelete