Followers

Sunday, September 5, 2010

Gulay

Naglalakad ako patungo sa meet-up place namin. Sa kanto ng Orosa at Nakpil. Ayun siya, naka maong at dark green T-shirt na sa sobrang hapit, wala nang mapagtaguan ang mga utong niya. At heto ako, dark jeans, shirt na de-cuello at naka-tuck, 23 years old at marami pang buhok sa ulo. Kinakabahan ako dahil sa mga nakaraang mga EB, minamalas ako. Kung hindi man chaka, ay chakang effem naman.

Maganda ang boses ni Adrian sa telepono. Sabi ko sa sarili ko ok lang kung mukhang monster ang date, wag lang monster na naka make-up at makembot.

“I’m 30 years old, a lawyer. I play basketball.”

Winner. May bongang trabaho. Hindi ako hihingan nito ng load.

Natuwa naman ako sa EB ko. Hindi siya baklitang level falayfay. Straight acting siya. Hindi siya mukhang monster. Sa katunayan isa siyang walking yummy. Naririnig kong minumura ako ng konsyensya ko.

“Putang ina, lucky girl ka. Minsan ka lang makakita ng baklang yummy, wag ka nang maarte. Diz iz it. Diz iz really it!! Ihain mo na ang bibingka mo para makain na. Now na!”

Pero siyempre dapat behave ako tulad ng pagkakakilala niya sa akin.

Lumapit ako sa kanya. Nagkatinginan kami. Nagkangitian. Nagtawanan. Naghalakhakan. At sa lagay na yan, hindi pa kami nag-uusap. Kilig lang. O di ba, ang bakla?

Nag dinner kami malapit sa kung saan kami nagkita. Medyo nagkailangan kami noong una. Iba din yung kaharap mo na dating nakakausap mo lang sa chat at sa telepono. Pero ramdam ko ang paglalandi niya sa akin. Yung kanyang “masarap ang may katabi sa kama.” Ang mga “sana kasama kita kanina habang umuulan.” At ang “masama sa katawan ang itlog na maalat pero masaraaaaaap.” Ako naman hangang ngiti at tawang kolehiyala kasi virginal effect.

ECHOS.

Kinain niya ang manok niya. Kinain ko ang beef ko. Tinikman niya ang beef ko. Tinikman ko din ang chicken niya. Pucha, hindi ko makalimutan ang sarap ng chicken niya dahil sinawsaw ko sa ngiti niyang matamis.

ECHOSSSSSSSSSSSSSSS.

Nag cake siya. Nag ice cream ako. Tinikman ko ang cake niya. Dinilaan niya ang ice cream ko. At doon. DOON naramdaman kong lutung-luto na ang bibingka ko. As in READY na po direk, action na!

Habang humihigop ako sa mainit na tsaa, bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa paligid. Na-conscious. Kinabahan. Nahiya. Tinanong niya ako kung bakit.

“O bakit, nahihiya ka ba?”

“Oo, nabigla ako.”

“Ok lang ‘to. Malate ito. Puro bisexual dito. Bisexual tayo.”

“Correction. Malate ito. Puro bakla dito. Bakla tayo.”

Tapos kinurot niya ako sa pechay. Nag-giggle ako na parang gurl.

“Hihihihihihi.”

Natawa siya. Tinanong ulit niya ako.

“Ngayong nagkita na tayo, gusto mo pa ba akong kayakap buong gabi? Kasi... I like you.”

Sa puntong ito para bang naglevitate ako nang 1 inch, Mary Poppins levelz.

“Sige. I like you too.” Shet. Ang chaka ng sagot ko. Nagmadali kami sa pagbayad para maka-alis na sa restaurant at naka pila na ang mga bakla sa labas.

“My car or your car?”

Kunwari nag-isip ako pero sa totoo lang tinatamad akong mag drive.

“Kotche mo na lang.” Wala naman problema kay attorney.

Maganda ang kotche niya. Maayos sa loob. Pero amoy clorox. Why kaya? Uhm. Habang nagmamaneho siya, hinawakan niya kamay ko. Kinilig ako kasi first time kong maranasan na ipag-maneho ng poging date habang hawak ang kamay. Kasi nga minamalas ako sa mga previous date ko laging walang wheels. Dinala niya ako sa Pasay at nag check-in sa isang drive-in motel.

Napansin kong kabisado niya ang kwarto. Alam niya agad kung saan ang banyo, nasaan ang cabinet, nasaan ang remote ng TV, at nasaan ang mga towels. Parang tour of the love nest, di ba?

“Ligo muna tayo tapos mamaya magyakapan tayo.”

Putang ina lang naman di ba? Kinilig ako kay pogi nang bongang-bongang-bonga. Feeling ko ang ganda-ganda ko nun talaga.

Sabay kami naligo. Naghalikan kami. Shet, sarap. Tapos nagbastusan kami. “Bastusan mo ako, shet ka, bastusan mo ako,” sigaw ng konsiyensya ko. Sinabon niya ang mga bahagi ko na dati-rati yaya ko lang ang maaaring magsabon noong sangol pa lang ako. First timer ako kaya NA-KA-KA-LO-KA!

Pagkatapos mag-towel, hubad kaming lumabas ng banyo pero pinigilan niya ako sandali.

“Akala ko ba magyayakapan tayo? Yakapin mo nga ako, Felipe,” pangiti niyang sinabi. Tanginaaaaaaaa, natunaw talaga ako sa ngiti niya, pramis.

Niyakap ko siya. Tapos naghalikan. Napunta sa laplapan. Tapos tinulak niya ako sa kama. Naglaplapan nanaman. Tapos nagkainan at nagdilaan. Nagdilaan at nagkainan. Name it, I ate it. Nagbaliktaran. Nagtablingan. Nagkiskisan. Nagmurahan. Sa kaliwa! Sa kanan! Sa taas! Sa baba! Sa pula! Sa puti! Sa gitna ng kainan at dilaan, saksi ang nakabukas na TV sa pagpatong ng dalawang itlog na maalat sa bagong lutong bibingka.

Niyakap niya ako sa likod habang nakahiga sa kama.

“Masarap yung ganito, ‘no? Sana laging ganito na lang,” comment niya. Sa akin naman, masarap ang lalakeng yummy. Sana laging lalakeng yummy na laaaaaaaaaaaaang! Natulog kami nang sandali tapos nagbihis kami.

Pasikat na ang araw nang ihatid niya ako sa kotche ko. Bago ako bumaba, hinalikan niya ako at niyakap.

Charap!

Nang makababana ako sa kotche, tinanong ko siya.

“Gusto mo bang mag-breakfast?”

Umiling siya. “Ay, di pwede eh. Nagmamadali ako. Baka late na nga ako, eh.”

“Bakit, saan ka pupunta?”

“Sa airport. Susunduin ko pa yung girlfriend ko.”

Nag-paalam ako at yun na ang huli naming pagtatagpo. Nabigla ako. Girlfriend? Iniwasan ko na siyang i-text o tawagan and I think he got the point. Oo, kumakain siya ng gulay. Makulay ang buhay sa sinabawang gulay. Pero aminin niya, mas masustansya ang pechay ko.

21 comments:

  1. Tama ka. Yung gulay ng iba malansa. Yung sayo amoy... Dial o Irish Spring? Lolz.

    ReplyDelete
  2. i had so much fun reading this. ang saya-saya ng pagkakakuwento! :)

    ReplyDelete
  3. Habang binabasa ko 'to, natatawa ako na kinikilig. =))

    ReplyDelete
  4. ahahha PANALO to Felips ehehe..sobrang saya at kulit...pero bket naman tinigilan mo na, pwede mo nman tikman tikman lang sya...bket takot ka bang MA IN LOVE kay pogi? :P

    ReplyDelete
  5. super fun post! i also like na hindi na tinigil mo na ang something something dahil may gf. panalo ka talaga mother! pak na pak! :)

    ReplyDelete
  6. Mugen - amoy Freshmen. LOL

    Aris - yehey! :)

    Ronnie - hehe.

    Soltero - ang kagandahan ang hindi dapat pinagkakait. ito'y ipinamamahagi. Kaya sige na, kagatin mo na ang aking.... bibingka.

    Nimmy - oo naman. i'm a very very good good girl.

    Orally - hehe. :)

    ReplyDelete
  7. omg naloka ako. my virgin eyes. an angel weeps. choz.

    ReplyDelete
  8. Ang shoray ng pechay ni Felipe.

    buti sinabawan at hindi ginawang kimchi. ;p

    tama ka ditse, it's hiss loss not yours.

    ReplyDelete
  9. prefer mo pala ang matanda sa 'yo, ha! lol.

    ReplyDelete
  10. Citybouy - chozness!

    Narnian - ....na achieve.

    Chuniverse - Ipalaman ang pechay sa mainit na bibingka.

    John Stanley - slight. LOL. My boyfriend's 10 years older than me. :)

    ReplyDelete
  11. ah bahala yang mga gulay gulay na yan. karne! karne ang masarap!

    ReplyDelete
  12. ganda ng pechay mo ah.

    ReplyDelete
  13. kakaloka! masarap ba ang bagong luto mong bibingka? aba eh magpapasko na! ibandera na yan sa kalsada! char-ice pempengco!

    ReplyDelete
  14. lmao! taena, di ako tinigasan, natawa ako haha..aliw! langya ka! kelan kaya ako lilibugan sa post mo ;-)

    ReplyDelete
  15. pinasaya mo na naman ako sa isang kalokang entry felipe!panalo un saksi ang tv sa pagpatong ng itlog na maalat sa bagong lutong bibingka!i can't stop laughing!

    at sa ending,nalungkot ako,sayang!kala ko story nyo to ng hani mo e!

    ReplyDelete
  16. ah, ibang putahe ng gulay. nakakaaliw. mapapabalik ako neto. :)

    ReplyDelete
  17. pak na pak ito felips. tawa ako ng tawa. LOL

    ReplyDelete
  18. Phillip, notice: write a sexcapade story, even if it's more funny than sexy, and you get... 20 comments! Ahahaha.

    ReplyDelete
  19. Joel - haha. oo nga eh. it's so sad! LOL

    ReplyDelete