Followers

Wednesday, September 8, 2010

Va, as in Vangungot.

Para akong engot pero noong isang gabi napanaginipan ko ang camerang ito.



Anong ginagawa ko sa camera sa panaginip ko? Sa totoo lang, hindi ko na matandaan. Pero yung nararamdaman ko sa panaginip na yun ay super happy. Ewan ko ba. Siguro it's a sign na PWEDE NA AKONG MAG UPGRADE! Naka dalawang entry-level DSLR na ako and I think it's about time na bumigat-bigat nang konti ang camera ko.

Ahaha ahaha.

I originally thought of getting the 7D kaso MAHALIA FUENTES. My sister-in-law has one eh heller mayaman naman yun. She bought it in HK. She offered me last month to buy one unit in Hong Kong for me kaso masikip sa dibdib ko that time ang gumastos nang isang bagsakan at in cash kahit ba na mas mura pa siya sa Pilipinas. HENIWEY, ang habol ko lang naman doon ay yung built-in wireless flash transmitter. It's so bongga! I have Speedlites 480 and 580 kaya transmitter at nude model na lang ang kulang, da va?

CHOZ sa nude model.

And then it was announced that the 60D will also have that feature kaya ngayon inaambisyon ko na lang with all my might and all my beauty na bilhin ang camerang yan kapag lumabas dito sa Pilipinas. Mahal pero mas mura kaysa 7D. Tipid na muna nang konti para hindi masira ang budget. Si Hani bibili din kaya dapat manahimik din siya sa gastos.



ISO 6400... I wonder how that will turn out.



Swivel LCD chorva. It's so prosumer. Parang S2 IS. Ang chaka. But keber. I always shoot with the view finder anyway.



This is what I will be buying. Camera body lang since I have my own collection of lenses.

Hay nako hay nako hay nako. Nae-excite talaga ako.

16 comments:

  1. how much will it be pag nandito na? buy ka sa hidalgo? someone is selling a 7D body at 63K and 7D kit w/18-135mm IS lens @ 76,400.

    vongga ka. upgrade na ditse!

    ReplyDelete
  2. chuniverse, saan yung nagbebenta ng 7d body for 63k? that's so mura? is it brand new, and with philippine warranty? YM me: sakalyenifelipe :D :D

    ReplyDelete
  3. @Felipe, the guy from whom i bought my Nikon D5000, his name is Dave. he was featured sa tv. check out his site

    http://dbgadgets.multiply.com

    ReplyDelete
  4. hi! tnx for joining BNP! ur blog has been posted! u can also vote for ur favorite blogs! d top 5 highest rated will be highlighted n d Hall of Fame ;)

    ReplyDelete
  5. Wow! May 60D na? Astig! Pero gusto ko rin nga ng 7D, kaso ang mahal!

    Anu anu pala ang mga lenses mo?

    ReplyDelete
  6. kakainggit... pangarap ko rin magkaroon ng DSLR
    minsan napapanaginipan ko rin yun.

    ReplyDelete
  7. Hi Canonista. I have a Sigma 30mm F1.4, Canon 18-200mm F3.5-5.6; Sigma 105mm F2.8 macro, Canon 28-135mm; Sigma 17-70MM; Canon 10-22mm wide lens and Canon 70-300mm. =) May Lens Baby Ver. 1 din na hindi ko ginagamit. Ehehe.

    ReplyDelete
  8. pag uwi ko kodakan mo ko, nude!...bwhahahah :P

    ReplyDelete
  9. @Felipe: SOSYAL! Ang daming lente! Bakit ka pa bumili ng 28-135 eh may 18-200 ka na? Anyway, gusto ko yung Composer ng Lensbaby! Anung hitsura nung ver. 1 nila? Saan ka bumili ng lente? Kung sa Hidalgo, saang tindahan dun?

    Usong uso ngayon ang 24-70mm F2.8, balak kong bilhin yung ordinary version ng Sigma na walang motor, mura lang kasi, yung may HSM nila eh nasa P40k, hindi naman natin kailangan ng may HSM di ba, as Canon users? Mahal ang L lens na 24-70 kasi.

    @Soltero: Ako naghahanap ng lalakeng nude model. Puro babae na lang nakukuhanan ko e. :-p

    ReplyDelete
  10. Canonista - photographer ka ba? Patingin naman ng photo site. :D Nauna ko kasing bilhin yung 28-135mm. Mas bago lang kasi yung 18-200mm, pero mas mahaba ang range. Pero sharper ang 28-135mm. :) Consider ko yung 24-70mm na yan. Sa JT Photo sa Makati ako bumibili kapag Sigma.

    Soltero - kunan din kita ng portraits pero hindi nude. =)

    ReplyDelete
  11. hay naku ako ngayon palang namumulat sa mga DSLR na cam na yan!at maganda nga meron!mag iipon ako at bibili ng pinaka mababa muna LOL!

    ReplyDelete
  12. @Felipe: Hindi ko pa matatawag ang sarili kong photographer, Kailangan ko pang magsanay, hindi pa nga ako makakuha ng matinong speed shots sa gabi eh. May fickr ako, kaso... para lang yun sa mga kilala ko na ng personal, andun yung mahigit sa isang libo ko na yata na kuha mula ng magsimula akong magpicture (point and shoot pa lang gamit ko un). I want to remain anonymous in this blogging world. Meron naman akong iilang kuha sa flickr ko na nakalink sa blog ko. 'Di bale, maglalagay pa ako ng maraming photos sa blog ko.

    ReplyDelete
  13. Napakspecific ng panaginip. It must be your repressed subconsciousness. Go get one. Hehe.

    ReplyDelete