Followers

Thursday, March 25, 2010

Time Log

3:34am.
Punyeta. Ba't gising pa ako. Hay!! Mula nang bumagsak ako sa kama, pagulung-gulong na lang ako sa ilalim ng kumot ko. Para bang nakainom ako ng Lipovitan. Hindi ako madalawan ng antok. Tapos sinundan pa yata ako ng lamok galing sa Westgate. Aparently, tumatalab lang ang powers ng kagandahan ko sa mga lamok. Bumubulong sa kaliwanag tenga, tapos sa kanan tapos PAK! May kagat na ako sa leeg. May pimple ako na nuo kahapon. Mukha akong unicorn. Ngayon naman nadagdagan ng pantal. Mukha na akong kambing.

5:54am.
Kukurukuku! Good morning. Di ako masyado nakatulog. Salamat sa punyetang lamok na bulong nang bulong ng sweet nothings sa tenga ko.

7:45am.
Para akong zombie. Buti na lang hindi ako ang nagmamaneho. Na realize ko ngayon lang na hindi Gucci gang ang nakita ko kagabi. Parang lang. Kasi they're so ingay and talking like Teta Aquino and smoking yosi or marijuana or whatever like there's no bukas and making pintas their friends who were not with them. And one girl's driver was so kawawa kasi the balyenang bruha was so matapobre.

"It's 10 fuckin' 20. Where the fuck is my fuckin' driver? I'm so gonna fuckin' scream at him. I fuckin' swear."

She's so fuckin' mean. I don't fuckin' like her. Like yuh-uh.

8:30am.
Wala na ngang pasok, puro road work naman sa kalye. My gulay itong mga pulitiko. Up to the last minute, magpapapogi na, mangungurakot pa.

"Ang proyektong ito ay mula kay Chenelyn Jervelyn Chorva para sa ikagiginhawa ng bayan."

Che!

10:50am.
Sa kanto ng Vito Cruz at Taft sa Manila, nakita kong may tatlong pipi na nag-uusap gamit ang mga kamay. Nakakatuwa silang panoorin kahit na hindi ko naiintindihan ang sinasabi nila. Ilang years kaya ang kailangan mong daanin bago ka makapag sign language nang mabilis tulad nila.

I think I need to do something new in my life. I'm bored.

O, di va nga. Deep thoughts effect ang drama ko ngayon. Di ako sanay. Ang sakit sa bangs!

1:43pm.
Botchok called. May earthquake daw. Di ko naman naramdaman. I called Hani. Di din niya naramdaman. O di ba, may something in common kami. Hindi nakakaramdam ng yanig.

3:30pm.
SLEX now. Very traffic. Very wrong. At least hindi pa yellow light ang e-pass ko.

At this point, wish ko talaga nasa akin ang bato ni darna. Hindi para lumipad. Kundi para kumain. My gulay Tom Jones na ako.

4:20pm.
Ang daming ginagawa ngayon sa High Street. New buildings. Nababawasan tuloy ng parking space. Merienda at Brother's Burger. Keber sa heavy merienda. Nagugutom na ako.

Oh my gulay, ang daming gwapo!

7:30pm.
Dinner at Oliver's Sandwiches. Small servings para tulong sa ambisyon na maging balingkinitan. Ang daming damit na gusto kong bilhin. Hindi naman kasya sa akin. Saan pa ba nagbebenta ng shirts para sa mga underdeveloped humans?

9:05pm.
It took me 30 minutes to get home. Not bad for a driver who can't see well at night. Haggard ang mga trucks ha. Gitgit kung gitgit!

4 comments:

  1. Keber sa heavey merienda. Nagugutom na ako.

    Lol. I love!!! :D

    ReplyDelete
  2. I swear hindi nakakatuwa kapag naswarm ka ng mga pipi in a jeep, some 20 of them. Nagpanic ako. No discriminating here.

    ReplyDelete
  3. i guess it felt strange to be the minority in that situation. hehe

    ReplyDelete