Followers

Sunday, 27 June 2010

Birdie, Birdie!

Sa Tuesday pa talaga ang birthday ko pero nag decide akong i-celebrate ito nang sabado para makapunta naman ang mga kaibigan ko. Out of at least 40 guests, 5 lang ang babae. Kamusta naman yun di ba?? Kung di pa ma-gets ng nanay ko na isa akong diwata sa ilog ng Muntinlupa ay ewan ko na. Pero siyempre, may alinlangan factors. Factor number 1, karamihan lalake ang mga bisita ko. Factor number 2, lahat ng lalake wala pang "asawa." At factor number 3, iba-iba ang edad ng mga kaibigan ko. Yung iba mas matanda pa sa Kuya ko. Pero congratulations na lang sa ibang mga bisita ko na marunong sumagot sa mga tanong ng nanay ko. (Lahat ayon sa kwento ng nanay ko kanina over breakfast).

Mudra: "Ikaw, bakit wala ka pang asawa?"
Lalake Bisita number 1: "kasi po kabe-break ko lang po sa GIRLFRIEND ko this month." (Na ang totoo ay kabe-break lang niya sa BOYFRIEND niya this month).

Mudra: "O, bakit maaga ka aalis?"
Lalake Bisita number 2: "Dahil po nasa bahay na po yung asawa ko." (Na ang totoo naman ay nasa bahay na ang asawa niyang LALAKE).

Mudra: "Bakit masikip yang t-shirt mo?"
Lalake Bisita number 3: "Kasi po nasa labada pa yung mga maluluwag ko na T-shirt."

Natawa talaga ako sa issue sa T-Shirt. Hindi ako makalunon nang maayos. LOL!!!

I now have a new respect for GRO’s dahil ang hirap pala yung palipat-lipat ng tables trying to entertain guests. LOL! Pero mahirap pala talaga yun. Yung iba di ko na masyado naka-usap dahil super divided ang attention ko. Nakakatuwa naman ang ibang bisita ko dahil magkakakilala pala. Pwedeng through work. Pwedeng may common friend. At pwedeng sa isang special gathering sa sauna.

CHOZ ang gathering sa sauna. LOL!!!!!!!!

Anyway, I’m glad that most of the people who I invited were able to come. My gulay. Bihira akong maghanda on my birthday, ‘no. I got nervous for a while dahil inabot ng 48 years bago dumating ang mga bisita ko. ("Late entrance, early exit, yan ang bongga"). But anyway, I’m just grateful that they were able to come. Happy na ako dun. That what matters naman. I couldn’t invite more people because of limited space and.... AHEM.... issues with the other guests. Ayoko ng mga eksenang warla sa bahay namin. Heller? Hindi ito Nakpil Malate. LOL!!! But believe me, if I could, I would. Pero next time na lang yan kapag super rich na ako at kaya ko nang rentahan ang isang buong penthouse sa Makati para lahat ng bading na kilala ko makasama na!

DARNA!!!!!

PAGODA cold wave lotion level 100 dahil sa puyat pero happy ako. :)

* Nakaharap sa salamin

Maligayang kaarawan, Bakla.

17 comments:

  1. Advance Happy Birthday!!!

    Gay guys really have the best alibis in the world. I swear.

    ReplyDelete
  2. advance happy birthday felipe! less stress, more happiness. :)

    mwah! *kiss sa cheeks*

    ReplyDelete
  3. Advance Happy Birthday, Felipe!

    Super saya ang birthday pag kasama ang friends na pantay sa trip mo. ;)

    ReplyDelete
  4. Happy Birthday! That must've been a nice party. :-)

    ReplyDelete
  5. huwaw Happy Bday. at dami bisita ha? nde ba nagkaron ng orgy? bwahahahha...u mentioned 48 sa post, 48 kna ba? bwahahahhaha jk! :p

    ReplyDelete
  6. happy birthday in advance! :D and i love love love the temptation island reference. haha makes me feel like having some cold rose wine and fried chicken. lol

    antagal ko na palang di nakakadalaw. i love the new header and the pictures in the sidebar are tres cute!

    ReplyDelete
  7. happy birthday! muntinlupa ka nakatira girl. talagang malelate lahat ng inimbita mo. hahaha

    ReplyDelete
  8. happy birdie, bakla!

    susko, 40 guests! ano to, debut? lol.

    ReplyDelete
  9. Nyahahaha.. happy birdie felipe...bat di kami invited? mag lalap dance pa naman sana ako para sa birdie mo wahahaha

    ReplyDelete
  10. Guyrony - True, true. Haha. Thanks. :D

    Nimmy - baka gusto mo na rin mag mano. LOL. Thanks. :D

    Ronnie - yeah it was fun kahit nakakapagod ang palipat-lipat ng tables talking to guests. :D

    Vince - it was fun. Thanks. :D

    Soltero - Hayup ka. 24 lang ako.... 24! Deadmahin ang kulog at kidlat habang sinasabi ko yan. 24 lang talaga ako!! LOL.

    Citybouy - thanks sa muling pag-dalaw. busying-busy ka siguro. ako din eh. di tuloy makasulat nang maayos. LOL

    Narnian - well that's true. Ako na lang ang natitira dito sa south. sana kapit bahay ko pa rin sila pero hindi na eh. :(

    Darc - salamat, salamat.

    JR - Ha? Lap dance lang? Walang torohan? Corny ka ha. Hmph! Salamat sa pagbati. Batiin mo pa ako. Batiin mo pa ako!! Masarap yung binabati. LOL.

    ReplyDelete
  11. John Stan - Thanks 'te. Hindi debut. Lamay. hanuvah!

    ReplyDelete
  12. happy birthday aydol;

    sana may pic
    wow naman so kinky ba lumabas yung hair mo nung bday mo dahil nag pagoda cold wave lotion the hair fashion lotion ka

    Who are you wearing nung bday mo? (oscar mode)
    tutal taga south ka nest time try mo
    may magandang tumatahi sa may Talaba Cavite yung Talaba Haberdashery

    ReplyDelete
  13. salamat mylawhite. sabi nga ni Ruffa G. noong ninakaw niya ang best actress award kay Aiko noong 1994 Metro manila Film Festival awards, "I swear I wasn't expecting this!"

    ReplyDelete