Yes saksessssss.
So ayan. Nag survive naman ako sa aking unang 10k run. Unang run na, 10k pa, with a time 57 minutes and 45 secs, ayon sa time sa board na nadatnan ko but I'm sure mas mabilis pa ako doon dahil manual ang system ng timer nila. Abot-papel-sa-time-keeper type. Kachipan! How can they treat us alabangers that?? Hagisan ko kaya sila ng exploding condom?
CHAR.
Pero kung ang i-post nila na time sa website ay mas matagal pa diyan, naku magpo-protest ako. Maghu-hunger strike ako!
CHAR-CHAR.
Nag enjoy naman ako sa run, sa totoo lang. At pota... Ang daming hot Daddies! Hong soyo-soyo long! Nomnomnomnomnom...
* burp!
But I don't wanna do this again. I mean, gawd, effort ha. Ano ba ang katuturan nito, pampapayat? Eh ang dami kong kasabay sa 10k na jubez na mas mabilis pa sa lola mo (ako ang lola mo, iho). But I think I will be running around the village regularly now. Once or twice a week. 5k din naman yun. For health reasons naman, walang malisya.
CHAR.
Nagpapasalamat ako sa mga stray dogs at hindi naman pala nila tambayan ang Filinvest Alabang therefore wala akong natapakang ebak sa kalye. Nagpapasalamat din ako sa mga jubez na kumakarir ng 10k run dahil nagkaroon ako ng motivation na tapusin ang takbo at wag himatayin. Nagpapasalamat ako kay Hani at na-sponsor ako ng pocket radio receiver, kinantahan ako ni Lady Gaga habang nade-develop ang paltos ko sa paa.
Ay tongino, may kwento ako, nung wednesday nag-jog ako, right? Tapos sa malayo may naaninag akong nagjo-jog din na parating na bagets so inayos ko ang poise ko sa pagtakbo para keri. Nung malapit na, shyet pamangkin ko pala. Sanabi ko agad sa sarili ko, "bakla umayos ka!" Hindi ako nakilala ng pamangkin ko dahil naka-cap ako. Siguro kung wala akong cap at nakita yung kalbo kong anyo tinulak niya ako. CHING!
Lamon after the run then coffee sa Westgate. it was a good Saturday night. No major complaints here. Sige, sleep na ako. Mamamasyal pa kami ni Hani sa Bataan bukas!