Followers

Monday, 29 March 2010

Jubesity Walking



I was taking pictures of myself yesterday while I was in the pool and there’s something that I noticed. My front side is hideous! Sideways kasi I look slim-ish. Pero kapag harapan, TSONG, ang love handles ko hindi na mukhang handles lang. Mukhang manobela na ng trak talaga. Parang steering wheel sa Wii, ganun. Inflatable boat, PWEDE DIN. It’s either that or hindi talaga ako pwedeng mag board shorts. My gulay talaga nung nakita ko yung pictures sa screen ng camera ko. And for a moment there I felt so so so so bad about myself. Ibig sabihin nito kailangan kong maglakad nang sideways kung sakaling makatungtong ako ng beach this summer kasi mukha akong normal SIDEWAYS. Ahaha ahaha.

Punyeta. Tinawanan ko ang sarili ko.

Anyway, ang dami kong kinaiinggitan ngayon dahil mga nagsi-exodus papuntang beach. Samantalang ako…

* hikbi, hikbi

…nandito pa rin sa province. Of Alabang.

Ang lufet ng layf!

*****

Kagabi nga pala I was at Bona Coffee westgate with Dondon, Fitz and Lorenz. Parang MIRC coffee night. Haha. My gulay, MIRC. Dial-up memories, ever. Anyway, chit chat lang naman. Tambay sa coffee shop tulad ng dating gawi from 10 years ago. Kaya naman napuyat ako. As usual, pinapak nanaman ako ng mga lamok. Nakalimutan ko ang advice ni Don na mag lagay ng Off lotion kapag pumupunta sa doon ng gabi at naka shorts lang.

*****

Kahit na more than 2 years na akong hindi member ng Batis-Sa-E-Rodriguez, nakakareceive pa rin ako ng text info galing sa kanila. At kanina, ito ang natanggap ko.



Borta talaga? Hahaha. Kalerki.

*****

I think I will have visitors this Thursday aside from the boyfriend. Anyway, friends are “invited” to crash. Haha. Magkakaroon ulit ng tao bahay namin! LOL.

3 comments:

  1. Borta talaga! Diba archaic gayspeak na yan? Ano na ba yung newgen equivalent?

    ReplyDelete
  2. borta? me? not true. maluwag na nga bra ko eh.

    ReplyDelete