Followers

Monday, 26 April 2010

Aliwan sa Dagat ng mga Pwet

Except for some brainless insects at work, I had a fairly good week. I super hope I can make this positivity thingee be part of my life forever. Di naman sa I want to touch people's lives like I want to touch their pwet. Gusto ko lang maging unang homosexual saint, kung hindi man ako maging ganap na diwata with wings sa bundok ng tralala.

Charing!

Hindi ko alam na there was such a thing as an Aliwan Fiesta. Akala ko parada ng mga macho dancer at gogo girls (eww, kadiri). Alam mo na, ALIWAN. Yun pala parada siya ng iba't ibang piesta sa Pilipinas. The boyfriend and I were invited to watch it last saturday sa MOA. Masaya naman. Gusto ko yung mga drum beats. Nakakatuwa ang mga costumes. At higit sa lahat, ang daming cute na photographers!!! At lahat sila naka L lens. Nahiya naman ako sa S lens ko at entry level camera ko, di ba. Anyway, it was fun pero nakakapagod mainly due to the heat.











Nagpamasahe kami after dinner. Doon sa favorite place namin sa Quezon Avenue. Ayoko na kay Kim. Nakakagigil na cute siya pero ang bilis niyang magmasahe. Sayang naman at kaya pa naman niya ang hard massage kahit na paano. Babalikan ko si Alvin at hihingi ng tawad. Magpapahipo ulit ako ng pwet sa kanya. Wehehehe.

Napapahilig nanaman ako sa masahe. Yesterday kasi nagpamasahe ulit ako doon naman malapit sa Coastal Mall pero kasama ko si Rusky dahil pareho kaming petiks mood on a sunday. Nakajackpot ako sa masahista. Hard massage to death ang gawa ni Lito. Dinurog lahat ng madudurog sa likod ko. Masakit na masarap. Tinanong pa ako kung nasasaktan ako. Sabi ko nang pahingal, "hindi... ayos lang... Masarap... Ouch...".

At ouch pa talaga ang nasabi ko. Para bang sinabi ko sa dagat ng mga hubad na pwet sa common room na "yes... Sinabi ko ouch... Vaklah akoh".

Lito, magkikita ulit tayo. Bigkasin mo lang ang pangalan ko. Allan. AHAHAHAHAHA. Mag-alias ba?

7 comments:

  1. Parang ang lambot ng puwet ni kuya. Haha

    ReplyDelete
  2. nabother ako dun sa nakangiting pwet. di nag-register yung massage. masiyado ata akong visual na tao. haha

    ReplyDelete
  3. Santa Philipa with wings! Naks! Parang keme lang ng girls oh.

    Ikaw na ang dyosa ng S Lens. :)

    ReplyDelete
  4. sana may fez si kuyang pwet.

    saan ka nagpapamasahe? ;p

    ReplyDelete
  5. Manwala ka... mas maganda yung pwet. LOL.

    ReplyDelete
  6. Haha sana pwet nalang sya forever haha

    ReplyDelete
  7. hmmm, the names of the masseurs sound familiar :)

    ReplyDelete