Followers

Monday, 12 April 2010

Driving Home



Sunsets make me sad sometimes, very much like how I hate saying good-byes.

Alam mo yung minsan parang pakiramdam mo kuntento ka na. Yung masaya ka na at wala ka nang gustong hanapin pa na mas higit na magpapasaya sa iyo dahil nakakaramdam ka na ng pagod. Yung gusto mo na yung nakikita mo. Tapos bigla na lang matatapos na ang lahat nang ganun-ganun na lang. Ang bahaging 'yan ang nararamdaman ko minsan kapag nakikita ko ang takip silim. Katapusan na ng iyong magandang araw.

*****

Nalulungkot ako dahil may kilala akong nasa ospital ngayon at nag-aalala ako para sa kanya. Kahapon siya na-confine sa ospital, siya ang drive sa sarili niya. Kaninang umaga ka-usap ko lang siya sa text. Tapos after lunch, nakatangap ako ng text galing sa telepono niya pero Tita niya ang nag padala. Nasa ICU daw dahil inatake. Hindi ko alam kung ano ang rason o kung ano ang problema. But for someone who's far healthier than I am, nakakabigla na magkakasakit siya nang ganito.

*****

I hope all of my friends will always be safe and healthy. I worry about them every now and then.

2 comments: