Followers

Sunday, April 11, 2010

At Bona Again

Akala ko maabutan ko si Botchok kanina sa ATC pero mahiwagang nag fly siya somewhere over the rainbow. Think positive, think positive. Kaya ang ending, naglaro ako ng Super Bike racing sa Timezone at inabot ako ng mahigit isang oras. May isang koreanong bata pang nag-challenge sa akin. Natalo ko siya dalawang beses. BUWAH HUWAH HUWAH HUWAH! Yan lang naman ang mga kaya kong talunin eh. Yung mga 10 years old. Ahaha ahaha.

Tapos di ko pa feel umuwi. Kaya pumunta na lang ako sa The Spa at nag-aksaya ng pera para sa isang walang kakwenta-kwentang masahe. At least, nakatulog ako. Ehehe. Good luck na lang sa mga thundercats na rumarampa sa sauna.

Pagkatapos ko sa spa, habang naglalakad sa Cinema area, nakasalubong ko si Zekitita! Biruin mo yun. Ilang years ko na yang hindi nakikita. Akala ko nga de-deadmahin ako eh. Kaya hinarangan ko na lang siya. Aba ewan. Quick chika. Sa sobrang quick, wala akong matandaan kung anong pinag-usapan namin. Ahaha ahaha. Ang na-retain lang sa utak ko night shift siya ngayon kaya gising na gising siya kapag gabi. Yun lang.

Bumili na rin ako ng extra multi card reader sa CDR King. Earlier kasi pumunta na ako doon eh pila to death ang dalawang lines. May isang lola nga doon (totoong lola siya, as in grandma) umalis na lang sa pila kasi nakakapagod daw. Bibili pa naman daw siya ng webcam. Hahaha. Kaloka. Sumunod naman daw ako sa paglabas kaya nga nag-Time Zone na lang.

Nasa Bona Coffee ako ngayon. Again. Kasi, nagpapalipas lang ako ng oras. Naghihintay na dalawin ng antok. At higit sa lahat, nakikigamit ng internet, kasi punyeta naman, deadz ang internet ko sa bahay. Infairness sa Globe, ngayon lang na dead ang internet ko mula nang lumipat kami ng bahay. Happy naman ako sa connection ko. Tumawag na ako sa customer service (after 10 times akong na-disconnect ang tawag) at bukas daw may pupunta sa bahay para mag check sa connection ko, on site.

Pucha. Di ako maka browse nang maayos. May nagdo-download ng torrent. Tama ba yan??

Hindi ako makakagat ng mga lamok ngayon dahil naka pants ako. Di pa ako nagpapalit ng damit. Sana pag uwi ko may tubig pa rin kami. Nung Friday afternoon at Saturday morning nawalan kami ng tubig sa bahay. Actually, yung 2nd floor ang wala dahil mahina ang pressure ng tubig. Malas ko lang, ako lang ang naka tira sa 2nd floor! Sana tumigil na ang water crisis kasi naha-hassle akong maki-ligo sa gym. Ahaha ahaha.

Inisip ko kanina sa Starbucks madrigal ako tumambay tonight. Free wifi din daw doon. Pero natandaan ko tuwing Sunday evening may meeting ng mga diyosa at diwata doon. Too crowded. Kaya dito ako bumagsak sa Bona Coffee. Bwisit lang yung lalakeng taga issue ng parking ticket. Ang bagal, kainis. Nakikipag daldalan pa sa guard na isa pang lousy. Ka-simple na nga lang ng trabaho, di pa magawa nang maayos. Good choice naman dahil 5 customers lang kami dito at lahat kami nakatutok sa laptop. Bwisit nga lang ang isa diyang nagto-torrent. Heller naman di ba?

Hmmm. May dumating na tatlong bagets.

“Dude, I love this place. Trip ko ‘to pare. It’s so quiet here pare.”

Tangina. So straight. Pfffft.

Uwi na rin siguro ako. Pero sana pagdating ko sa bahay, inaantok na ako.

4 comments:

  1. dude, i love your post. nakakatawa 'to pre. pakiss nga. hahahaha. LOL.

    ReplyDelete
  2. I love BoNa Coffee! Ang ayaw ko lang sa Westgate, maliit kaya madaling mapuno. Minsan hirap tumiempo na may libreng table na katabi ng mga power outlet. Hehehe.

    Sayang lang at nagsara yung BoNa sa MoA.

    ReplyDelete
  3. Hi Vince. Pumupunta ako doon sa Westgate sa gabi, after dinner. it's open 24 hours kaya go lang ako. Hehe. :)

    Nagsara na yata yung Bona sa BF Homes din. :( Yun ang laging napupuno.

    ReplyDelete