Followers

Friday, 9 April 2010

An hour of tender loving care in the eight o'clock sunshine!

Bumibisita nanaman si white stray cat sa garden ni mudra. Akala ko gusto nang makipag kaibigan na sa akin. Yun pala nagmamaganda lang. Bruhang yang. Anong akala niya sa garden namin, hall way ng CB? Pero minsan naiisip ko rin talaga na baka reincarnation siya ni Mimi Sue tapos…



Ah ewan. Imagination ko nanaman ang tumatakbo dito.

Anyway, petiks mode ako nung Wednesday. Actually, di masyado. Kasi I spent most of my afternoon updating my personal financial records. Nakaka haggard kasi ang dinaanan ko mula September 2009 hanggang February 2010. Di pa dumadating yung mga March 2010 bank statements ko. Alam kong sinabihan ko na ang sarili kong to always update my records every month. Eh kaso, ang tamad-tamad ko. Sana ibang tao na lang mag record para sa akin. Si yaya kasi lumipat na ng New York.

ECHOZ!





OK lang naman. Successful naman ang update session. At least nagkakaroon ng silbi ang computer ko bukod pa sa facebook, porn at torrent. I felt so happy to complete my task after 4 hours, I felt like a new woman.

ECHOZ!

I was so disappointed last week when my friends visited kasi they wanted to watch Temptation Island, eh kaso hindi ko makita yung punyetang VCD na kinopya ni Nelicom para sa akin 2 years ago. Para na akong si Sisa sa kakahanap ng VCD na yun, hindi ko talaga makita. Nakakaloka. Eh yesterday, nasa ruins kami ni boyfriend at may na-discover kaming isang stall na nagbebenta ng Tagalog DVD movies. At bongga siya ‘day. Merong DVD ng Temptation Island! Sabi pa ng tindera dami daw naghahanap ng Temptation Island. And I’m sure ang mga lola ng paraƱaque ang mga yun. Bumili rin ako ang ng DVD ng Hihintayin Kita sa Langit (Richard at Dawn!) at Immortal (Si Ate Vi!!!!). Di ko alam kung kailan ko sila mapapanood pero kagabi pinanood ko na yung Temptation Island habang ginagawa ko ang aking homework.



“Sabihin mo kay Vicente na ihanda ang Mercedes na charcoal gray. Mas gusto ko yatang magpahatid para I can leave anytime I want. Late entrance, early exit. Yan ang dramatic!”

Punyeta ka Suzanne. Ipinanganak ka dapat na diyosa!! Alavyu!

Sana sana sana sana sana gawin ulit yung stage play nito. Super please!!!!

No comments:

Post a Comment