Followers

Saturday, April 3, 2010

My Holy Week So Far



Tulad ng sinabi ko sa previous entry, pumunta kami ng mahiwagang pamilya ko, kasama si Kuya, Ate T, Tita G at yung apat na pamangkin ko sa Bacolod Chicken House diyan sa BF. Pagkadating namin kami lang ang tao sa loob. Siguro kasi maaga kami dumating, or konti na lang ang taong natitira pa sa Metro Manila. Apparently, favorite ng mga Kuya ko ang BCH kaya bentang-benta sa kanila ang chicken kahit na yung nakamamatay na batchoy.

Noong napatingin ako sa bintana, nalaman ko na kung bakit kami lang ang tao doon.



Kasi bukas na pala yung bagong Hap Chan sa tapat. It’s sorta kinda mabenta siya ha. I love Hap Chan. Like I love chinese boys.

Medyo nalulungkot ako kapag nakikita ko yung kanto na yan. Minsan lang naman. Kasi mula noong bata pa ako (o di ba, ang tagal tagal tagal tagal na nun?), mula noong nagka-building kami sa BF, noong nakatira pa kami sa Merville, noong sikat pa si Julie Vega, noong wala pang puting buhok ang Kuya ko, Shakey’s na ang nakapwesto diyan. Natatandaan ko pa nga doon sa Caltex may naka-puwesto na Burger Machine. So para bang may isang alaala ng aking pagkabata ang tuluyan nang nawala.

At ang flashback na ito ay hatid sa inyo ng Alaska. Galing ng lasa, sa sustansya wala pa ring tatalo sa Alaska!

Thursday naman, kabaliktaran sa mga bading na nag-fly away heading sa mga beach for their carnal satisfaction, work naman ako sa umaga. Checking dito, checking doon. Numero, numero, numero. Naloloka na ako sa numero. Nagpapasalamat na lang ako sa aking Sharp calculator na after 10 years ay buhay na buhay pa rin siya. Free plugging yan!



Pagdating naman ng hapon, sinamahan ko si Ed at Angelo sa Visita Iglesia. St. James, Sta. Susana, yung simbahan sa Bene, yung simbahan sa phase 1, yung simbahan sa Aguirre, yung simbahan sa San Antonio Valley at yung Don Bosco church sa Better Living. Puro malapit lang kasi nagmamadali din kami. Hindi naman ako sumusunod sa tradition na yan kaya usually naghihintay na lang ako sa labas ng simbahan habang si Ed nagdadasal sa loob.



Dumating yung ibang mga kaibigan naman namin sa bahay pagdating ng late afternoon. Tambay and swimming. Yun lang naman pwedeng gawin sa bahay namin eh. May poker set pero hindi yata sila nasabihan. Ehehe.



Kinagabihan, swim pa rin while some were drinking na. Feeling the laid back week. It’s the weekend.

Yesterday, Friday, wala kaming pasok. I met up with Ed in the morning. Then went to BF. Picked up Christina and had lunch at Hap Chan with Jing. Saraaaap ng food. Medyo tanga lang yung waiter namin. Tapos wala pang hakao. Yun na nga lang favorite dumpling ko eh. Halos lahat ng tindahan sarado. Pero siguradong bukas yung mga nasa North Gate. We had a coffee break at Starbucks. Sobrang init kahapon. Hindi ko maintindihan. Bored din si D sa bahay kaya sumunod siya. In the afternoon, swimming nanaman with Ed and D.



Ngayon naman nasa office ako. Bakit? Wala lang. Nagre-reyna-reynahan. Kanina pang 7AM nandito na ako. Para setting good example to my employees ang chorva. Pero anong ginagawa ko? Nagbo-blog. Tama ba yan? Ang sagot, tama. Dahil ako ang reyna. In a few minutes sugod ulit ako sa barbershop. Sana may barbero. Magugulat yun sigurado at imbes na naka puruntong shorts ako, naka jeans ako ngayon. Hindi ako mukhang bagong gising.

Baka mamayang hapon, kung sipagin, punta ako sa gym. Sana kaunti lang ang tao.

No comments:

Post a Comment