Followers

Monday, 24 May 2010

The Letter M

M is for MALAS. Sabi ko na nga ba. Dapat naligo na lang ako sa gym kanina after my workout. Ewan ko ba. Ngayon lang ako nag skip maligo sa gym, natapat pa sa araw na WALA KAMING TUBIG SA BAHAY. Winner, di ba. Bwiset. Di pa ako napagigiban ng tubig nung mga bruha sa baba. So anong ginawa ko? Hu-well... may patak powers naman yung hand shower ko na naka-ipon ng isang tabong tubig kahit na paano. Ang ending, sponge bath with alcohol. O di ba, para akong senior citizen na may lagnat. Buti pa yung aso ko, nakaligo kanina nung may tubig pa.

Ngunit subalit dadapwat.... Hindi pa rin ako satisfied. Naiinitan ako. 10pm na. Sarado na ang gym. Sarado na din ang The Spa sa ATC (ahahahaha.... umambisyon talaga 'no?). Putcha. Itotodo ko na lang yung aircon ko tonight. !@#$%^&*(!!!!!!!!!

Yes, ang sungit ko. Ang sungit-sungit ko!!!!!!!!!

*kidlat

3 comments:

  1. M is for Maalat alat ahah yan ang lasa mo ngaun waahahah..........am not saying di masarap ang maalat bwahah :P

    ReplyDelete
  2. Awwwwww. Kahit hindi ka nakaligo for sure mukha ka pa ring mabango :)

    ReplyDelete
  3. Nimrod - yes. dapat lang. Naligo ako sa alcohol eh.

    Soltero - baka magkaroon ka ng sakit sa bato ha. LOL

    ReplyDelete