Followers

Saturday, 22 May 2010

Heller!!! How Are You Na!!!

Medyo nanahimik ako ng isang linggo halos kasi putcha I was too busy with work. Ewan ko ba. Parang biglang nagbulaga ang mga bwisit sa buhay ko.

"Hello kalbo. Kamusta na you? We are so back, bakla." Lovingly yours, Mga Bwisit.

And it doesn't help that some of my friends are fighting over the most non-sense thing and they're getting me somewhat involved. Nakakainis kasi ang babaw. Eh ayoko ng ganun. Ayon nga sa Bibliya ng Temptation Island, mula sa libro ni Joshua, "Rub-a-dub-dub. Two bitches in a tub." Wala. Walang point. Ganun din sila. Walang point.

Tapos pagdating ng bahay may konting homework pa tapos naghahabol pa ako sa Cafe World (uy, add niyo ako as neighbor please!) at Nighclub City. Ay haggard ang facebook. Para siyang drugs. Bawal at masama sa katawan pero binabalik-balikan dahil merong something-something.

At siguro naman napapansin ng lahat na for the past 2 weeks ay bumabagsak ang foundation at concealer ng mga ilusyonadang metrosexual dahil sa tindi ng init ng panahon ngayon. Para kang nasa sauna na walang ka-holding hands.

CHOZ!!

Ihanda ang fishnet underwear mo dahil ang balita ko pwede pang umabot ng 40 degrees ito. Camel na lang ang kulang, pwede na tayo maging disyerto.

Anyway, I got chika. I have a bad left knee, right? Which makes me unable to run nang matagalan. 30 minutes would be long enough, at treadmill lang yan. I definitely can't run on pavement. Itaga mo sa batong may sequins. Last Thursday I was at the gym running on the treadmill (waiting for my friend PHB na hindi naman pala pupunta. Hmph!) while watching an episode of Daria and another of Glee. I surprised myself that I was able to run for more than an hour! So galing, right? Yun lang pala motivation ko. Manood ng movie habang tumatakbo. Of course I must have looked crazy laughing while running pero keberrrr. Now I want a pair of wireless earphones to make my running hassle free.



Another chika. I have been shaving my head by myself for 2 weeks now and I think I do a good job. Boyfriend says I do a BETTER job than my barbero. Naks. Well, that's at least what I think he said. Suportahan talaga ang kabaliwang ito. I need new 3-blade razors.

BTW. E is getting better. He's breathing on his own na daw. And I hope this leads to his full recovery.

Oy! Check out the Google search page.



It's Google's tribute to Pacman's 30th anniversary. You can play with it using your arrows keys! Cool 'no?

5 comments:

  1. punta ako agad google. aliw! play galore!

    thank God your friend is getting better!

    neighbor ko hubby mo sa Cafe World. effort kung effort ang design nya compared sa keme ko. LOL

    ReplyDelete
  2. Phone in question poh mula sa mga bading ng Payatas:

    Meron pouh bang foundation na hindi nagsmu-smudge kahit jabbar na jabbar na ang fez ng mga bakla?

    ReplyDelete
  3. hmmmmmmm ill buy kaya my own razor din hmmmmmmmmm

    ReplyDelete
  4. Nimrod - play ka lang. go ka lang. go for gold!

    Mugen - Meron. Ang tawag doon semento. AHAHAHAHAHA.

    Chester - What would you shave naman? you're going kal or semikal na? :)

    ReplyDelete
  5. gus2 ko din magpakalbo!!! sa baba!! ahahah :P

    ReplyDelete