Akala ko kanina masa-stranded nanaman ako sa BF tulad ng nanyari sa akin noong panahon ng Ondoy. I was in one of my Las Piñas branches when it started to rain. The pour was hard but I never thought the situation would get worse in just a few minutes. On my way back to Alabang, nakita kong baha na sa El Grande.
DEATH!
Tapos there was a part in Tropical na kailangan kong ilusob ang kotche ko sa baha. Inisip ko na lang, "For the glory of Alabang, go for gold!" Yes, walang katuturan ang cheer ko. Pero na-low batt na yung iPod ko at hindi ko matugtog ang playlist ko kaya wala na ako sa wastong pag-iisip.
Elizalde going to Concha Cruz
Pagdating ng Concha Cruz, napakanta ako ng Cry me a River dahil mukha nang river ang kalye! Imagine, sa loob ng 30 minutes, nagkabaha na. Nag pray talaga ako na sana masaklolo yung pogi na nasa loob ng car na red (ako yun) para makabalik na ng Alabang. Nag U-turn agad ako derecho sa Elizalde.
Concha Cruz
BAHA!
U-turn ulit tapos left turn papuntang Aguirre.
BAHA!
Pero pinagtyagaan kong maghintay sa traffic dahil wala din naman akong mapupuntahan. On my left may cutie na naka Honda Accord na nakikipag eye contact sa akin. Smile siya. Hinimatay naman ang kaluluwa ko.
"Shyyeeeeet.... ba't ang pogi-pogi niya? Tignan mo, o" sabi ko sa imaginary friend ko. Tawagin na lang nating siyang Akihiro Sato. LOL.
At dahil diyan may tumawag sa cellphone ko.
"Malakas ang ulan, nasaan ka na."
"Dito sa BF na stranded." Translation: Dumidilim ang langit. Lumalakas ang ulan. Tumataas ang baha. Naiihi ako. Malapit na yata ako mamatay, MOTHER!
"Ba't ka pa kasi nagtrabaho pa ngayon."
"Wala kayang ulan kanina!"
"Oo nga naman. May punto ka diyan. Derecho ka na ng Alabang ha."
Pagtingin ko ulit sa kaliwa ko, tangina, nauna na si cutie. Sinugod na niya ang Accord sa baha at nakatawid na. Nanay ko talaga wrong timing lagi! Mukhang may nakinig naman sa dasal ko earlier dahil pansamantalang tumigil ang ulan, lumiwanag at surprise, surprise. Bumaba ang baha. Sumugod ako sa baha at success din naman, thank you very much. Right turn sa Tirona.
WACHAK!
Traffic at baha. Pero mukhang hindi naman malalim yung baha. Tama naman ang hinala ko dahil yung Civic sa harap ko nag over-take sa pila at nakasugod naman. Sumunod naman ako. At sa muli, SUCCESS!
Para akong nakalabas sa Jurasic Park nang makita ko ang Zapote road. Ang OA di ba? Pero ayoko maulit yung nanyari sa akin last year nung dumating si Ondoy. Haggard talaga yun.
Kasalukuyang umuulan nang very very bad bad sa labas ng bahay namin.
masarap magcuddle kapag umuulan. pero baha, please, nooo! :)
ReplyDeleteminsan na rin akong naipit sa baha. worse, nahulog pa ako sa kanal. kalurkey! :)
ReplyDeletesusko, umulan na at bumaha, lalake pa rin ang nasa isip! lol.
ReplyDeleteikaw na ang may second floor. :)
ReplyDeletesino pala ung tumawag sa'yo? ayeeee. ang arti arti. LOL
Nakakatakot na nga pagdumidilim, blogmate! :D
ReplyDeleteang presko sa bahay mo!
Arkin - yep. masarap talaga. hihihi. BTW, I left you a message.
ReplyDeleteAris - absolute kalurkey yan ha. :)
John Stanley - Heller. He smiled at me kaya. Dapat smile din ako kasi bihira manyari yun sa akin! Baka iba ang nakikita niya sa likod ng tint ko. Haha
NimRod - it was my Mom who called. :P
Chichirya - thanks. :) pwera sa kasamang mumu, ok naman dito. :D
u r rich!!!!!
ReplyDeleteChester - di kaya!!!!
ReplyDelete