Followers

Saturday, July 10, 2010

Follow-Up




Hay naku. My day was almost ruined because of SeaAir. As what I blogged earlier, our 6am flight got bumped to the 10:45am flight. I don't wanna get into details about what happened at the Domestic Airport kasi nakaka-haggard mag recall dahil ang lola mo ay kasalukuyang may senior citizen moment. Basta it involved some pagtataray from the 3 boys habang ako namomoblema kung saan makakakain at makakakuha ng 3G signal. LOL. HENIWAY HIGHWAY, we were tranferred to Cebu Pacific for the 9:20am flight and they (Sea Air) PAID FOR IT. Much much better than the 10:45am flight di ba tapos may possibility pang ma-delay dahil 2 eroplano na lang ang tumatakbo sa SeaAir dahil repair galore ang kanilang mga sasakyang himpapawid (ahaha ahaha ahaha... sheht pramiz yun ang sabi ng mga gelay sa counter ng SeaAir). So dahil CebuPac na kami, fly naman kami faster than a speeding bullet sa Terminal 3 via 90-peso taxi ride. First time kong makapasok sa terminal 3 kaya kahit na medyo nagmamadali na yung tatlo kong kasama, para lang naman akong naglalakad sa loob ng National Museum. Infairness, clapness to progress. At kumpara sa Domestic Airport, mas maraming guapo sa Terminal 3. LOL!



Good Bye Polluted Manila!

Either hindi kagandahan ang panahon or lasing yung piloto namin dahil para kaming sumakay sa Log Jam habang lumilipad kami. May moment talaga na parang magdi-dive yung eroplano, napakapit tuloy ako kay boyfriend. mas mabuti na yun kaysa tumili, right?

Pagdating sa Caticlan, may award winning malas nanaman ang dumating sa buhay namin. NAWAWALA ANG MGA BAGAHE NAMIN! Award di ba? Pukeng inang award yan. Anyway, cool lang naman ang mga ulo namin -- Dina, Azenith, Suzanne at Bambi -- dahil confident kaming magpapakita din ang mga baggages namin. We were picked up by our hotel's transport service. While in transit to the hotel, we were informed na dumating na yung mga bags namin so hooray, right? The hotel arranged to have our bags picked up at the airport.

We're staying at the Tides. I like this hotel. And I like their banyo. It's bongga. It's not so bongga, but bongga enough forme. I want my banyo to be remodelled tuloy. Chika. The sliding banyo doors suck though. I want a bath tub too! Kaya lang yung toilet amoy putok. Parang yung previous user yata nito European na may kili-kili power na nag-iiwan ng marka sa dingding at sahig and everything na hindi ko maintindihan. Basta, kakaiba. Amoy putok talaga.

When I got in our hotel room, I texted my Mom telling her na dumating na kami sa Boracay. Tapos bigla siyang tumawag asking me ba't ang tagal namin dumating. And then I explained to her how we got delayed and how we had to transfer planes tapos parang siya pa yung galit. And I was like HELLER, MI MUDRA, kami yung na-abala 'no kaya cool ka lang. Ahaha. My Mom talaga, nakakaloka.

We got our bags and settled. Had lunch too tapos kami ni boyfriend rumampa, este, nag swim na. At sa loob ng 15 minutes, negro na ako. I will consider this as my only beach weekend so far this year dahil ayokong i-consider yung beach weekend namin ni boyfriend sa San Juan Batangas dahil chaka to death yung napuntahan namin part ng beach. Tapos puta ninakawan pa ako ng Havaianas. Hay naku. Malas talaga sa akin ang beach na brown ang sand. Ahahaha. Choosy? Tama ba yun?







Tomorrow I shall enjoy my Saturday. It will be a good day. Tama yan, Felipe. Think positive.

10 comments:

  1. nice to know na pagkatapos ng mga aberya, you are now enjoying the sun, sea and sand. have a great vacation! :)

    ReplyDelete
  2. tama na Flip, inspiration na lang ang huling pic para mag-enjoy :D..

    ReplyDelete
  3. awwww...ang sarap...ng mga boys sa last pic eheheh...trip ko ung nakatungo in between ng nka blue shorts & nung malaki tiyan ahaha :P

    ReplyDelete
  4. ay kahaggard! buti na lang cute ka. walang connect. hahaha

    enjoy! :)

    ReplyDelete
  5. felipe, enjoy the island!! I was a "citizen" of boracay for a time and it got the best of me. LOL. Then i got bored and took the next flight back to manila.. cheers!!

    ReplyDelete
  6. a so andito pala kayo sa bora...

    ReplyDelete
  7. Hi Bambi este Felipe;

    Cool pics.

    Ang daming cats sa last picture even though Im a cat-hater I love the last pic.

    Di ba kayo nanghuli ng isda using your panties?

    ReplyDelete
  8. Dami namang ulam nyang last pic. Sana may mga closeup shots. ;p

    ReplyDelete
  9. mas worse experienced ko sa cebu pacific to macau, me n my ex friend didnt made it to the flight,over booked daw sila, system error daw,pucha 3 hours kami nakapila then ganun lang,ang ending we were rebooked for the morning hongkong flight instead, cebu pacific booked us sa las palmas hotel un motel tapat ng rob malate ,ka bad trip, good thing u enjoyed ur bora

    ReplyDelete