Followers

Monday, July 12, 2010

Hangover

I wanted to blog last night pero super pagod na ako. It was a fun weekend. Not really the best weekend of my life pero it was still super fun. Nung friday night di ako lumabas dahil sa pagod at puyat nga ako. Woke up too early for a cancelled 6am Sea Air flight na magandang ikwento with taray factor. So sabado sinabi ko sa sarili ko, "Iinom ka tonight, bakla, iinom ka tonight!!"

Boyfriend decided to stay in the room dahil 10pm pa lang inaantok na. Hmph. Anyway, 11:30pm walk kiti-kiti walk kaming 3 girls heading to station 3. Sumilip kami sa Summer Place at puro afam at pokpok. Went further to Juice. Nice music kaya we decided to stay there na muna. But after one drink we got bored dahil kami lang yata ang bakla! And there was a group of oldies na nag-swing sa house music. Pwede ba. Sabi ni Nel masaya daw yung mga bars sa Station 1. Kamusta naman. Nasa station 3 kaya kami. Pero walk pa rin kami. Ahaha. Pagdating sa Station 2, may namukhaan kami pasalubong. Si Henrietta! At nag assume kami na kung saan papunta si Henrietta, that's where the party is. So stalker mode kami, right? Kadilakad nanaman at ang ending nakabalik kami ng Station 3. Biglang nag about face si Henrietta at nag muni-muni mode. Kami naman nagtaka na, "ha? Ano yun? Emote?" And then I realized na he wasn't looking for a party. Rumarampa na pala ang lola ko! Awaaaaaaaard!! Hay naku waste of lakad time. Naghahanap lang pala ng hada ang chinitang vahklah. So balik ulit kami papuntang station 1. Sa dulo ng Station 2, may bar na nasa 2nd floor na mukhang fun naman from the outside so we checked it out. Pagpasok namin sa loob, di ko ma-identify kung sino ang waiter at sino ang client at sino ang hammer (pokpok). Masa levels!! Ano 'to, Heartbeat mega disco?! Ahaha ahaha. So teleport agad kami sa labas. I wanted to check out Hey Jude bar pero it moved na daw to a different location na medyo malayo. We ended up drinking at Guilly's that was packed with topless HOT white men partnered with hammers. Para siyang opening scene ng Naughty America. Ahaha. Anyway, madami ding PLU na umo-aura-aura at my direction. Naks. Ang haba ng hair kahit na kalbo. Well, at least alam kong may axe effect pa rin ako kahit na paano. Ahaha. Or mukha lang akong borta dahil naka sando ako. Anyway, good girl ako. Ang nakayanan lang nilang gawin sa akin ay small chikas ("hi where are you from?" "are you alone?" "What are you drinking?" chorva chorva chorva chorvaaaaaaaaa!) at makipagkiskisan ng braso. LOL! Hanuvayun. After 6 vodka tonics, dead na ang central processing unit ng utak ko. Iniwan ko na yung dalawa at fly ako back sa hotel. Hinarangan ako ng isang barkadang yuppies na girls at boys sa Tibras at binigyan ako ng isang shot ng drink. Lahat ng mga dumadaan actually. Di ko alam kung anong mix yun pero drink naman lola mo. At sorry sila semi-alcoholic ako at nag decide naman akong mag-stay. LOL! And I kept talking to this girl Claire. I think na-haggard siya sa akin kasi I kept on touching her hair. LOL! English to death naman ako sa bartender at akala niya I'm from Thailand. Sinakyan ko naman. LOL!

Anyway, boyfriend says I got home at 3am kasi nag-alarm phone niya when I entered the room (which I can not recall). I was suppose to take a shower first but I didn't have the energy na to even take off my sando. Kaya bagsak na lang ako sa kama. I woke up with my first hangover of the year. Hay. Fun fun fun. Alcohol makes me happy. LOL.

Here are some pics from my weekend. :)


We were lucky dahil kahit na umuulan sa Manila, it was still sunny in Boracay.


So many reflection shots at the beach.


Almost sunset.


What's with the dogs in Boracay? They're all friendly.


Low tide.


Afternoon siesta under the sun. Dito yata ako umitim. Major.


Muni-muni area.


Jonah's Water melon shake.


Nagtatanong ba siya o naninindak. Hindi ko gets.


D' Talipapa. Naubusan ng liempo!

4 comments:

  1. ikaw siguro yun nakasalubong ko sa beach na kalbo!LOL

    ReplyDelete
  2. oh i miss boracay (not bora lolz). you should go there on january para ati-atihan na rin

    ReplyDelete
  3. Orally - haha. oo nga. not Bora. LOL.

    Mac - naka black sando ka ba sa Guilly's nung saturday night? LOL

    ReplyDelete
  4. In fairness, didn't mean to find your blog or this entry, pero I just want to say na naamoy din kita. :)

    ReplyDelete