Followers

Wednesday, July 28, 2010

No Cook Today

Nasa Gloria Maris kami. Nag order tatay ko ng beer. Tumingin sa akin yung waiter at nagtanong.

"Isa lang ser?"

Tinaasan ko siya ng kilay. Sa isip ko sabi ko sa kanya "Vakla ako. Hindi ako nagbe-beer. Meron ka ba diyang Long Island Iced Tea?"

At biglang nagising ako.

"House water lang kaming lahat," sagot ko.

Ang ingay ng isang pamilyang Koreano sa likod ko na may isang dosenang anak (go Papa Kimchi! Go for gold! More power!) ay parang assembly ng mga sundalo mula sa North Korea. Hindi ko maintindihan. Mukhang diktador ang mudra.

"Koroto kaka cheche rororo ratatatatat!"

Family dinner night. Walang cook sa bahay. Kaya nagdecide na sa labas kami kakain tonight.

Ang nanay ko lahat ng makitang customer pinintasan.

"Tignan mo yung babae, ang tanda ng asawa. Sugar daddy siguro yan."

"Yung nanay doon sa kanto, parang torotot ang boses. Ang ingay."

"Yung lolo na yan mukhang aatakihin na sa puso. O tignan mo, tignan mo! Abangan mo. Abangan mo....!"

Ang Tita Golly may baong joke. Siguro daw mga Pilipino si Adam at Eve dahil walang trabaho, walang pera, walang damit, walang bahay pero anak pa rin nang anak.

Sa kabilang dako ng restaurant ay may isang pamilya na naka-puwesto. Isang matandang tatay, isang may edad na nanay, isang anak na lalake at isang anak na babae na mga nasa 20s or early 30s. Sumusulyap sa akin ang lalake. Aba. Pogi. Tapos ngumiti. Pumalakpak ang pekpek ko nang 1,000 palakpak per minute. Tapos natandaan ko na kung sino siya. Nakakasabay ko nga pala siya sa gym kung minsan. Award sa senior citizen moment ko. Ang palakpak ng pekpek ay naging utot. Sinuklian ko ang ngiti niya nang isang tango at pa-tweetums na smile. I swear, kung kinindatan pa rin niya ako mamamatay ako sa dysmenorrhea.

Wipe out ang lahat ng inorder ni mudra. Hampas lupa level kami dahil super gutom ang mga pamangkin ko. Ang ending, bondat kaming lahat at ang tatay ko lasheng.

*****

Death anniversary ng pusa ko today. Isa ba akong pathetic na nilalang para matandaan ko pa kung kailan siya namatay?

5 comments:

  1. pak na pak si murdra mo felipemae. hihi.

    i can only imagine kung gaano mo ka-love ang pusa mo. awwwwwww.

    ReplyDelete
  2. wahahahahaha..this post made my day ;-)

    ReplyDelete
  3. naiimagine ko yung palakpak ng pekpek.. kinikilabutan ako

    ReplyDelete
  4. namiss ko ang pagkain kasama ng pamilya. ang swerte mo... :)

    ReplyDelete
  5. at bakit vaklang vakla ang post na ito aber?hahaha!

    hay felipe,crush na kita ng todo talaga! (sana wag mabasa ng asawa ko to!LOL)

    ReplyDelete