Followers

Thursday, 28 October 2010

3PM Burp



Pucha. Akala ko naman kahit na maaga ang alis ko, makakatakas na ako sa traffic. Hindi din pala. Siksikan sa Parañaque. Siksikan sa Makati. Siksikan pa rin sa Manila. Kahit pabalik ng Alabang, siksikan pa rin. Sana lalakeng hotties ang kasiksikan ko. Eh hindi! Bus drivERs, Truck drivERs, Jeepner drivERs, motorcyle ridERs at jejemonERs lang namaaaaaaaan. Hmph! Nakaka-haggard lang kasi naaksaya ang oras ko sa kalye. Buti na lang tumawag ang nanay ko. Pauwiin na lang daw ang driver ko dahil maglu-Lunch kami sa Bacolod Chicken House sa BF Homes. The best chicken inasal and batchoy in Parañaque... in Alabang... sa South... sa Luzon.... sa Philippines.... sa Universe... PUCHA KAHIT SA MILKY WAY GALAXY!!!!!!!!!!! Waaaaaaaahhhh!!!!!!

Sorry. Kasalukuyang nagsi-swimming sa mantika ang sistema ko.



I should be avoiding mga pagkaing mamantika at batchoy pero inisip ko baka pwede naman ako lumamon paminsan-minsan, kahit na hindi pa officially weekend. Tutal, sumakit naman ang arms ko sa kawo-workout kahapon.

ECHOS sa workout!



Going back home, I rode with my Mom and Dad. As usual, hindi binuksan ng driver ni Mudra ang radyo dahil enough na ang bunganga ni Mudra para talunin ang ingay ni Mike Enriquez.

Oo nga pala. Kahit na ilang buwan ko nang nakikita ito, bothered talaga ako sa billboard ni Greta.



So sa lagay na yan, model si Greta ng sabong 'yan dahil "mayaman" siya at kapag gumamit ka niyan, magmumukhang "mayaman" ka din. Emphasis on the quotation marks. Ehehe ehehe.

I'm just killing some time now. Meeting up the boyfriend within an hour.

1 comment:

  1. sabaw na sabaw ang post. hahaha! well anyway..lagi namang siksikan sa mga lugar na sinabi mo. hindi pa mamatay ang mga buwares na nagpapasikip ng daan ng reyna! (ikaw) chos! hahahaha!

    ReplyDelete