Followers

Thursday, 2 December 2010

Asim

Nananahimik lang ako sa loob ng sauna. Ako lang mag-isa. Kaya gusto kong makapag gym ng late morning kung minsan para konti lang ang tao. Nakakairita naman kasi kapag may pila sa machines.

CHOZ SA PILA SA MACHINES!

Siguro nasa loob ako ng mga 15 minutes -- naliligo sa usok mula sa mga bato na oh so init-init-INIT na binuhusan ng tubig -- nang bigla siya pumasok. Mestisohin, malaki ang katawan, may kaunting tiyan pero KEBERRRR, medyo matangkad, hot daddy type, mabuhok at higit sa lahat pogi. Parang malaman and older version ni Dingdong Dantes. May kakaibang dating talaga sa akin ang mga older guys.

Nakilala ko na siya dati. More than a month ago. Doon din sa sauna. Same time. Nag-kwentuhan lang nang konti pero umalis din ako kaagad dahil gusto ko nang mag lunch. Tapos nakalimutan ko na ang pangalan niya.

This time, he reintroduced himself. Itago natin siya sa pangalang Danny, ang pambato ng Las Pinas para sa Ginoong Steam Room 2010. Very gentleman. When he introduced himself he shook my hand. Just like in our previous encounter. At tulad din ng dati, nagkwentuhan lang kami tungkol sa history namin kung kailan nag gym, trabaho namin, sinong kakilala namin dito, chorva-chorva, chorva-chorva at chorva-chorva. At dumating ang usapan sa katawan. Hindi ako borta. Payat nga ako, eh. Pero ina-admire niya katawan ko.

"Ok na yang katawan mo. V-shaped ka na eh. Wala ka pang tiyan."

Ang totoo niyan, I mastered the art of tummy tucking. Ahaha ahaha.

"Di nga eh. May taba pa rin ako," sabay kurot ko sa love handles.

"Maganda ang smile mo. Cute ka."

TONGINO LANG. Kinilig naman ako dun.

"Ikaw nga diyan, eh. Malaki na katawan mo," sabi ko.

"Ah hindi no. Malaki pa tiyan ko eh," sagot niya.

"Hindi din naman nahahalata kasi malaki na chest mo... Hot ka pa rin."

Tinignan niya ako nang napakalagkit-lagkit. "Ako? Hot?" At binigyan niya ako ng ngiti na MATAMIS parang Nutella na pwede mong ipalaman sa tinapay.

Charap!

Nag sorry naman ako sa sarili ko dahil hindi ko napigilang mag-flirt. Eh, nauna naman kasi siya. Pasensya na, bakla lang. At pasensya na ulit, ako ang kalbong may mahabang hair. Ganda lang, shyet.

Binalik ko ang topic sa trabaho dahil sumasakit na puson ko. LOL! After a few more minutes, nagpaalam na siya para mag work out. Medyo matagal na nga kami sa sauna. Nagkamayan kami ulit nang bigla niya akong hinalikan sa lips... Na medyo matagal-tagal. At may kaunting tongue action pa.

TONGINO LAAAANG.

Hay pucha. Pero hangang doon lang naman ang nanyari. Quite wholesome kumpara sa mga nanyayari minsan sa mga sauna. Ni hindi kami nag trade ng numbers.

Mega feel good naman ako kasi mantakin mo, sa edad kong 29 (CHOSSSSSSSSSSSSSS), at 3 years nang off the market, may powers pa rin pala ako, 'te!

I don't know about you pero I think it's something positive and ego boosting to prove to yourself sometimes na SOMEHOW you're still attractive kahit na ilang beses ka nang nagpalit ng kalendaryo. Parang desperate housewife.

Naks!

12 comments:

  1. ahahha...aba, alam ba ni bf yan? ehehe..

    ikaw na ang kalbong Tangled, and oh fave ko yang Nutella ahahaha :P

    ReplyDelete
  2. ung si madame Auring nga may asim pa, ikaw pa kaya.

    choz!

    ReplyDelete
  3. hindi ka ba borta? ikaw yung nagpost ng sexyback na picture habang nakasakay sa bangka diba?

    borta.

    ReplyDelete
  4. wala tlga sa edad yan teh. nasa performance yah. ahahaha!

    ReplyDelete
  5. "I don't know about you pero I think it's something positive and ego boosting to prove to yourself sometimes na SOMEHOW you're still attractive.."


    and sometimes, we need someone to re-affirm that.

    :)

    ReplyDelete
  6. SOltero - oo alam niya. Sus. Kiss lang naman yun. halika. Kiss tayo. Walang malisya. Hehehe.

    Chinverse - Thank you. Naman. Ikumpara ba naman ako kay Auring! LOL.

    Ex Jason - Yeah, that was my picture. Pero magaling lang talaga kumuha ng picture ang Hani ko. :D

    Nox - Hahaha. Walang performance naman nanyari. Ganda lang. LOL

    Geek - apirrrrrr. Pa-hug lang. hihihi. Landi lang.

    ReplyDelete
  7. Amazing... I wonder how you look like in person.

    ReplyDelete
  8. Haba ng hair! At inggit ako kay Danny. Chos! ;)

    ReplyDelete
  9. Archie - i'm not pogi. :(

    Vince - sige sa next party doon tayo sa dilim.... AYYYY!! LOL

    ReplyDelete
  10. Haha! Tsk tsk tsk looks like someone's giving too much.

    @Vince - Oh Em Gee!!!

    ReplyDelete
  11. Hayaan mo na siya. Wala naman malisya.

    LOL!!

    ReplyDelete