Traffic, krimen, kurapsyon, anomalya, pagnanakaw, pulitika, pulitika, pulitika. Tuwing makakarinig ako ng mga kwento ng mga kaibigan ko na nasa ibang bansa tungkol sa kung gaano ka epektibo at karesponsable ang gobyerno nila sa mga mamamayan, naiinggit ako. Kasi naman para bang hopeless case na ang Pilipinas.
Teka, "parang"?
Nakakapagod nang marinig ang mga kandidato ngayon na lahat nagbubuhat ng sariling bangko. Kahit na ninakaw lang naman ang bangko. Kung sa panahong ito, nahihirapan nang kumita ang mga negosyo dahil sa tindi ng kurapsyon, na dating ipinangakong aalisin ng kasalukuyang mga naka-upo sa gobyerno, paano naman kaya ang kinabukasan ko? Para akong nagtatrabaho para sa wala dahil hindi pa ako kumikita, ninakawan na ako.
Isa lang naman yan sa mga concern ko para sa bagong gobyerno. Tayo nga lang ang Christian country sa Asia, Pilipinas naman ang isa sa mga pinaka demonyong pamahalaan sa buong mundo. Hindi pa tayo kumunista sa lagay na yan. Pagkukunwari lang ba na may takot tayo sa Diyos? 24 years after EDSA revolution, gusto kong maniwala na may pag-asa pa ang Pilipinas. Pero sa takbo ng utak ng mga Pinoy ngayon, ito'y isang malaking ewan.
Parang awa niyo na. Iboto ninyo ang kandidatong pinaniniwalaan ninyong mabuti. Hindi lang dahil sa sikat.
Kahit na isang taya ka lang, mahalaga pa rin ang boto mo. Sa lunes na ang eleksyon. Sino ang ibo-bottom mo? :P
Gibo!
ReplyDeletenoynoy at roxas ako!hehe
ReplyDeleteRonnie, ibo-bottom mo si Gibo.
ReplyDeleteMac - ibo-bottom mo si Nonoy.
At least, may ibo=bottom kayo.
Kayo, sinong ibo-bottom ninyo? LOL!!
gusto ko ibottom ikaw. lol.
ReplyDeletenoynoy!
Chichirya - I'm not running for public office 'no! LOL
ReplyDelete