Followers

Friday, December 31, 2010

Happy New Year Beckititas!

I'm too lazy to make chika about my Baguio trip. So I'm posting a video about it instead! :D

Happy New Year everyone! Be safe. :)

Monday, December 27, 2010

Jingle Bells

Hanunah!? Kung bonggacious ang pasko ninyo, sa akin hindi. Ah, hindi ako nagre-reklamo. Ganito kasi yan. Christmas eve, nagsimba kami ng 6pm mass sa Zobel chapel (I'm sure may totoong name yan, hindi ko lang alam). Then dinner at my brother's house with my Titas. Doon na rin kami nagbigayan ng gifts. And by 9pm, nasa bahay na kami at handa nang matulog si pudra at mudra. I still had the energy to walk my dog (while twitting with neighbor Drei), play DOTA/EOTA, and watch a DVD movie of John Lloyd Cruz. I ended up sleeping at 2am. Christmas day, I gave my puppy a bath and then played some more computer games. Sa gabi we had the traditional christmas day dinner at my Tita's house in Madrigal. At dahil most of our REAL relatives are in the US, inimbita na rin ng mga Tita at Mom ko ang mga kaibigan nila.

Tapos pabulagang CM texted na he wanted to go out. It was a Staurday night, ako din kaya! Buti na lang nagsungit ang tatay ko dahil gusto nang matulog so I brought my Mom and Dad home at 9pm at fly naman ako to pick up CM sa next province lang naman. And then VJ, DL and PA texted na they were hanging out at Petron Alabang. I wanted CM to meet my friends para lumaki ang circle of Southies so fly naman kami doon. We stayed siguro about 20 minutes lang coz CM really REALLY wanted to go out and DRINK. Ang ending namin Silya in Malate. Ako ang nagsabi na ayokong pumasok sa Bed dahil sure akong magulo doon after it's re-opening. BUT THEN nag text si JR na "bakla, nakita ko kotche mo. Papunta kaming Bed. See you there!". At biglang na excite naman ang Lola mong may tama na agad sa tatlong boteng beer dahil hindi na ako marunong uminom. Fly kami sa Bed. Dahil hindi naman kami sushal-sushalang VIP, nagbayad kami ng 500 pesosesoses na entrance fee na may kasamang 2 free drinks na tinangga ng kasamang kong lasingero. Ako, learning my lesson from a previous drinking session a few months ago, naka dalawang boteng mineral water lang naman. 3 floors na ang Bed ngayon. Ang 3rd floor parang smoking deck pero may bar pa rin. Dito nagpupulong ang mga sunog baga. Kaloka, nakita ko si Steve. Pero di na siguro ako dapat nagulat dahil pugad ng mga bakla naman yun. Nang makita ko si JR ang binalita niya sa akin live-in na daw yung ex ko at ang current niya tapos sumibat na siya. Bruhang yan. Pinapunta ako sa loob para lang sabihin yun, pwede namang i-BBM. Ehehe. Anyway, ang ganda ng Bed ngayon. Reklamo ko lang masyadong masikip ang banyo and I guess sinasadya ng mga may-ari na wag lagyan ng harang ang mga urinal para magkasilipan ang mga bakla. And infairness sa crowd, puro mga taong kagandahan ang mga nandoon. Tipong mauubusan ka ng supply ng bet bet bet bet bet bet bet at more bet! Anyway, di na kami tumagal kasi di naman ako umiinom at wala ako sa mood na kumembot at umindak. I got home at 3am at doon... Doon na nagtatapos ang aking Christmas.

RIGHT THIS VERY MONUMENT, nasa Baguio kami ni Hani. Brrr. Ang init. Choz. Sana mamayang gabi bumongga ang ginaw para sa eksenang yakapan. Mmmmmmm.

Tuesday, December 21, 2010

Isang Linggong Lumipas

Hindi ko pa nakikita ang listahan ng mga holidays for next year pero sabi ng mga bibong ka-twitter, they mostly fall on weekends. For more added chuva, walang ginalaw si PNoy sa mga holidays para magkaroon ng mga long weekend. Siguradong madaming bekititas ang magagalit sa statement ko, pero HAY SALAMAT NAMAN AT NABAWASAN ANG MGA LONG WEEKEND NA YAN!

* sabay ilag sa lumilipad na stick ng concealer at ng mga ninja stars na feeenk.

Let me explain. Nagpapatakbo kasi ako ng negosyo. At sa negosyo na ito kailangan namin ang serbisyo ng bangko. At part din ng negosyo namin ay magbukas even on holidays. Marketing edge chuva lang naman sa industriyang mega chuk-chakan sa competition. So ayun. Kaya nung panahon ni Hobbit Gloria, kapag ginawang holiday at walang pasok ang isang weekday, panahon ng windang-windangan ang a day before para sa amin. At pagdating ng holiday-that-falls-on-a-weekday, wala na nga si bangko, may extra bayad pa sa mga tao namin dahil open kami even on holidays.

Award.

Award din sa marketing chuva-chuva. Marketing chuva-chuva fail. Marketing chuva-chuva fail nang bongang-bonga.

Anyway, we were fine naman kahit na ganun ang situation. Nakapag-adjust naman kahit na paano. Parang panty na masikip. Adjustable. Pero sa pagbalik sa "normal" ng mga holidays next year, laking pasalamat na rin ng mga business woman (choz!) tulad ko.

Heh. Ni. Wey. I'm sure naloka kayo sa mga balita last week. Sa ikinatutuwa ng mga baklang hindi pa marunong magjakol noong dekadang 90, pinalaya si Poging Hubert makalipas ang something-something many years na pagkakulong na ikinagulat ng mga kamag-anak kong chismosa sa Amerika. Ang tanong ng mahiwagang salamin ni Kuya Boy (chika lang), did you free a guilty man? Sadya bang mas yummy si Jason? O mas yummy ang tatay, si Daddy Freddy? Pasensya na. Mahilig ako sa older men. Ehehehehehehehe. Shyet. At his age, ang hot pa rin ni Daddy Senator. Rrrrawr!!! Ang pangalawang intriga: abswelto si Papa Hayden. KALOKA!!! So I guess wa-epek ang mga video ng mga bongkangan ni Papa H. Ang tanong ng mahiwagan salamin, nagsisisi na ba si Katrina na pumatol siya sa poging jowa ni Doktora MILF? By now ba nag-trim na si Papa Hayden kasi talagang hairy siya doon? Totoo bang tumitingin siya sa microscope nung ginawa niya yung pabango niya kasi mukha siya doong very intelligent sa eksena na yun, promise. Ang pangatlong intriga: naibalik ng korte kay Waray Imelda, ang pinaka maluhong babae sa buong world, ang mansyon ng tatay niya sa Leyte. Ang tanong ng mahiwagang salamin... Wala. Ako ang mahiwagang salamin at wala akong pakialam sa balitang yan.

Huy. Nakita ninyo ba yung buwan ngayon? Honggondaaaaa...! Wag ka lang masyadong tumitig nang matagal at baka lumabas ang pakpak mo at humiwalay ang katawan mo sa pwet mo. Impakta!

Ilang araw na lang, pasko na. Hindi ako excited doon. Mas excited pa ako sa pag-akyat ko sa Baguio sa lunes kasama ang Hani ko. Yeeheeee! Tatlong araw na pahinga din yun! Actually, kahit na hindi umakyat ng Baguio o pumunta kahit saan, wala lang magpaalala sa akin tungkol sa trabaho, happy na ako.

Peksman, hindi ako magiging masungit.

Saturday, December 18, 2010

Heto Nanaman Tayo

Alam kong laos na ang mga ito pero 'DAY, bentang-beta pa rin sa akin! Kanino ang mas magandang version, kay Ate Vi o kay Ate Guy?

May house version ba nito si Modesto? LOL!




Thursday, December 16, 2010

Tunay na Ganda

I swear. Hindi ko alam kung bakit ako napadalhan ng text na ganito. Hindi naman ako sa kanya nagpapakulot.

CHAR!

Monday, December 13, 2010

Isang Mahabang Twit

Ang dami kong red shirts ngayon pero hindi ko pa rin feel ang Christmas. I'm not being a scrooge. Hindi ko namang sinabing nagsususungit ako. Hindi ko lang siya feel. Para bang...

"ay pechay, keber. Ay ulan, keber. Ay MMDA, keber. Ay pasko, KEBERRRR."

I still don't know what to give my folks. And I also still don't have a gift for my Hani yet. Bumili pa kasi ng Brightest Day comic book, wala na tuloy ako maisip, kainezzz. And opposite of myself is my Mom. Last year she didn't put up Christmas decors for our house. Pero this year kung anu-anong gigantic decors ang pinambibili niya. Bilib na ako kung next year meron na kami snow machine. Sana. Para magamit ko na ang fur coat ko na yari sa mga siberian huskies ng kapitbahay namin.

Char!

Iisa lang ang wish ko for next year. Ang manalo sa lotto para mapagpatuloy ko na ang aking pawnshop empire! Buwah-huwah-huwah.

Choz sa pawnshop empire.

Magre-retire ako nang maaga at titira sa isang beach house na may mini cooper sa garahe. Ganun lang naman kasimple ang pangarap ko.

Heniway, mamaya kakabitan na ako ng PLDT DSL. Sana matuloy na kasi last saturday medyo sumemplang sila. I applied for 1mbps speed, eh I was only getting half. Baka daw kasi sa wiring ng mga extension sa bahay. Medyo lang 8 ang telepono namin. So sana later maayos na. Medyo pogi yung nagkakabit ng DSL ko. Mabango pa. Yung sa Penshoppe yata yun. Basta yung gamit ng mga callboy. Mmmmm. Tuwing tumutuwad siya parang gusto kong himasin ang wetpax niya. Homaygad. Ang landi ng imagination ko shyet.

Kamusta naman weekend ninyo? Mine was fun. Hani and I had a party with friends in Bel-Air and I looked good sa pictures so haylavettt. Haha. Ang babaw. We're spending a few days nga pala in Baguio after Christmas. Bakit? Wala lang. Bawal? Char!! Para na akong nagmo-monologue nito. This means petiks nanaman ako so I should go back to WORK.

Now na!

Btw... Mag-tweet-tweetan tayo. Link me up mga 'te!
twitter.com/ sakalyenifelipe

Thursday, December 9, 2010

Join Me...

...In the battle against EVIL!

Visit: http://felipe101.mybrute.com


Sunday, December 5, 2010

D' Bazaar



Kanina we had our company party at this place where “everyday, everyday the Magic is here.” Well, it wasn't really a party if you're going to consider what happens in a typical party. BUT ANYWAY, it was ok. Usually kapag company christmas gatherings, super sungit ako. But kanina, I was just so-so. Hindi naman ako sobrang natuwa. Hindi din naman ako deadma. I just had to be in control dahil yung nanay ko naman ang may sumpong. AHAHA AHAHA. Shyet, may pinagmanahan. HENIWEY, natapos din naman at nakauwi na kami at super SUPER pagod ako na pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto para akong ginahasa ng kama ko at nawalan ng malay. Masakit (sa batok) na masarap (matulog).

"FELIPEGUMISINGKANADIYANKAKAINA!!!"

Nagising ako bigla sa sigaw ng nanay ko. Sumakit tuloy ang ulo ko nang bonggang... bonggang... bongga.

Walang akong moral story sa kwentong ito kaya next chika na.

I was at the Cuenca bazaar yesterday (with my Haniiiiiiii) para maghanap ng mga anik-anik na chipipay pero sushalin dahil ang mga tindera ay inglisera like "yeah my products are so ganda like look o, they have the colors of the different seasons kasi... yuh, that's like so sushaaaaaal, right? And you can make pamigay to your Titas kasi they're really so ganda, riiiiight?" So ayun. Puta. Wala akong nabili. NGUNIT SUBALIT DADAPWAT, may kiosk doon ang Smart Broadband. So, di ba lang may mega issue ako ngayon and forever with Globe Broadband? Ok naman speed niya. Mabilis talaga. Ay, may bigla akong natandaang ka-EB many years ago. Nahipo ko lang ang itlog, nilabasan na ka-agad. Mabilis talaga. ANYWAY, ok naman ang speed ng Globe DSL ko kaso konting utot lang ng ulan, napuputol na kaagad ang connection. That's wrong di ba? Very wrong! At LATELY ha, hirap akong mag-download ng torrents. AHAHA AHAHA. Punyeta, namirata lang pala. So nung nag-inquire ako about Smart WiMax habang kumakain ng Belgian choco ice-cream (mas marami pa yata akong ginastos sa pagkain), nalaman ko na available siya sa village PERO pwede ko pang ipa-test sa kanina kung may signal dito sa home-office ko kasi nasa gitna siya ng bahay. So wala naman akong pinirmahang kontrata. Inquire-inquire lang naman. TAPOS nakita ko na may kiosk din ang PLDT. Di ba nga sa previous post ko na-imbey ako nang bongang-bonga dahil walang DSL ONLY service ang PLDT. Pero naisipan kong bigla, AS INNNN right there and there and there, na magpakabit na nga lang rin ng DSL sa existing PLDT line namin namin. Jack en poy lang dahil dalawa ang linya namin ng telepono dito sa bahay. So fill-up naman ako ng form in behalf of my Mudra (pina-alam ko na sa kanya na nag-apply ako ng bagong internet connection). At ngayon hope naman ako na sana makabitan ako ng DSL this week para mahagis ko na ang DSL modem ng Globe Broadband sa office nila sa festival mall. Ahaha ahaha. Chika lang.

BUT WAIT! THERE'S MORE!

I bought a piratang chillout CD from this tisay sa bazaar. Akala ko pa naman she compiled the tracks herself kasi burned copy lang tapos alam mo yun, mukhang compilation lang talaga. Pinatugtog ko muna siya sa car while Hani and I were driving around Alabang (Elebeng). When I put the cd naman in my computer, lumabas yung CD track names sa iTunes ko (bongga!!!!!) and found out na it's from an original album called Relax produced by this trance duo Blank and Jones. I love their CD and I think I will be looking for more albums from them. Their wikipedia page says that they released eleven albums and 16 singles so yeah, I just gave myself a little project.

Thursday, December 2, 2010

Asim

Nananahimik lang ako sa loob ng sauna. Ako lang mag-isa. Kaya gusto kong makapag gym ng late morning kung minsan para konti lang ang tao. Nakakairita naman kasi kapag may pila sa machines.

CHOZ SA PILA SA MACHINES!

Siguro nasa loob ako ng mga 15 minutes -- naliligo sa usok mula sa mga bato na oh so init-init-INIT na binuhusan ng tubig -- nang bigla siya pumasok. Mestisohin, malaki ang katawan, may kaunting tiyan pero KEBERRRR, medyo matangkad, hot daddy type, mabuhok at higit sa lahat pogi. Parang malaman and older version ni Dingdong Dantes. May kakaibang dating talaga sa akin ang mga older guys.

Nakilala ko na siya dati. More than a month ago. Doon din sa sauna. Same time. Nag-kwentuhan lang nang konti pero umalis din ako kaagad dahil gusto ko nang mag lunch. Tapos nakalimutan ko na ang pangalan niya.

This time, he reintroduced himself. Itago natin siya sa pangalang Danny, ang pambato ng Las Pinas para sa Ginoong Steam Room 2010. Very gentleman. When he introduced himself he shook my hand. Just like in our previous encounter. At tulad din ng dati, nagkwentuhan lang kami tungkol sa history namin kung kailan nag gym, trabaho namin, sinong kakilala namin dito, chorva-chorva, chorva-chorva at chorva-chorva. At dumating ang usapan sa katawan. Hindi ako borta. Payat nga ako, eh. Pero ina-admire niya katawan ko.

"Ok na yang katawan mo. V-shaped ka na eh. Wala ka pang tiyan."

Ang totoo niyan, I mastered the art of tummy tucking. Ahaha ahaha.

"Di nga eh. May taba pa rin ako," sabay kurot ko sa love handles.

"Maganda ang smile mo. Cute ka."

TONGINO LANG. Kinilig naman ako dun.

"Ikaw nga diyan, eh. Malaki na katawan mo," sabi ko.

"Ah hindi no. Malaki pa tiyan ko eh," sagot niya.

"Hindi din naman nahahalata kasi malaki na chest mo... Hot ka pa rin."

Tinignan niya ako nang napakalagkit-lagkit. "Ako? Hot?" At binigyan niya ako ng ngiti na MATAMIS parang Nutella na pwede mong ipalaman sa tinapay.

Charap!

Nag sorry naman ako sa sarili ko dahil hindi ko napigilang mag-flirt. Eh, nauna naman kasi siya. Pasensya na, bakla lang. At pasensya na ulit, ako ang kalbong may mahabang hair. Ganda lang, shyet.

Binalik ko ang topic sa trabaho dahil sumasakit na puson ko. LOL! After a few more minutes, nagpaalam na siya para mag work out. Medyo matagal na nga kami sa sauna. Nagkamayan kami ulit nang bigla niya akong hinalikan sa lips... Na medyo matagal-tagal. At may kaunting tongue action pa.

TONGINO LAAAANG.

Hay pucha. Pero hangang doon lang naman ang nanyari. Quite wholesome kumpara sa mga nanyayari minsan sa mga sauna. Ni hindi kami nag trade ng numbers.

Mega feel good naman ako kasi mantakin mo, sa edad kong 29 (CHOSSSSSSSSSSSSSS), at 3 years nang off the market, may powers pa rin pala ako, 'te!

I don't know about you pero I think it's something positive and ego boosting to prove to yourself sometimes na SOMEHOW you're still attractive kahit na ilang beses ka nang nagpalit ng kalendaryo. Parang desperate housewife.

Naks!